^

Pang Movies

Sharon, nagpapakita na ulit

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Hindi na mami-miss ng kanyang fans si Sharon Cuneta dahil nagpo-post na uli ito sa kanyang Instagram. May mga nag-request kasi kay Mega na mag-post naman siya dahil wala silang balita sa kanya lately.

Kaya nag-post ito kasama ang pamilya ni Helen Gamboa at sabi ni Sharon, she’s been spending Sundays with her Sotto family. Isa pang post ni Sharon, present din sina Vic Sotto, Pauleen Luna, at dalawa nilang anak.

 Mukhang tuluy-tuloy na ang pagdalaw ni Sharon sa Sotto family dahil sa comment ni Lala Sotto na “See you next week... I love you.”

Anyway, sa isa pang post ni Sharon, makikitang kasama sa New York nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez ang mga anak nina Sharon at Kiko Pangilinan na si Frankie at Miel Pangilinan. Pinasalamatan ni Sharon ang Alcasid family for spending time raw with her girls.

Andrea pinag-interesan si Rico

Huge fan pala ni Rico Blanco si Andrea Brillantes, kaya nang magkaroon ng chance na makapagpa-picture sa jowa ni Maris Racal, nagpa-picture siya kasama si Rico. Kahit blurred lumabas ang larawan, masaya pa rin si Andrea, pinost ang photo nila together at may caption na “Fan Girl moment kahit blurred it’s okay huhu OMG.”

Nanood kasi si Andrea ng Bobapalooza Music Festival 2024 na isa si Rico sa performer na labis nitong ikinatuwa.

Tanong ng netizens, hindi ba nanood si Andrea ng reunion concert ng Rivermaya? Nag-enjoy daw sigurado si Andrea kung nanood siya ng nasabing concert.

Kaya lang, hindi mabait kay Andrea ang mga nag-comment sa post niya sa photo nila  ni Rico. Kabahan na raw si Maris at may agad sumagot na hindi kakabahan si Maris dahil secured siya kay Rico.

May mga nagtanggol din kay Andrea, hindi raw ba puwedeng maging fan at mag-enjoy sa concert. Kailangan daw ba lagyan lahat ng meaning? Saka, hindi naman daw si Rico ang ipinunta ni Andrea sa concert, kundi ang friend niyang si JK Labajo. Naging magkaibigan ang dalawa nang magkasama sa series na Senior High at kahit tapos na ang series, friends pa rin sila.

Daniel, ang tagal sa Vietnam

Pepsi pa rin ang iniinom ni Daniel Padilla sa isa nilang pagkain habang nasa bakasyon sa Vietnam at para sa kanyang fans, ang ibig sabihin ay endorser pa rin si Daniel ng cola drink.

Ang hindi pa nasasagot ay kung endorser pa rin ng KFC ang aktor dahil si Kathryn Bernardo lang ang nag-shoot ng new TVC.

In fact, ngayong Martes ang launching ng bagong TVC ni Kathryn. May franchise sina Daniel ng KFC sa Tacloban, paano ‘yun kung totoong hindi na siya endorser ng fast food chain?

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with