^

Pang Movies

Sagabal na sa daan, sila pa matatapang!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NADADALAS ang komprontasyon sa pagitan ng mga tauhan ng clearing operation team ng MMDA at ng mga may-ari ng nahahatak na sasakyan na ilegal na nakaparada sa mga lansangan.

Minsan na nating natalakay ito, na ating uulitin dahil nga sa maraming matitigas ang ulo.

Pinakahuling nangyari sa isang barangay dyan sa Taguig.

Ang barangay na ito ay dating nasa hurisdiksyon ng Makati.

Yun na nga nagsagawa ng clearing operation dyan ang mga tauhan ng MMDA dahil na rin sa reklamo mismo ng mga pedestrian na tila wala nang madaanan dahil sa tambak na nakahimpil na sasakyan sa lansangan.

Galit ang mga may-ari nang hinatak na sasakyan, maraming mga alibi at mabuti na lang eh hindi nagpasindak sa kanila ang clearing team at itinuloy ang operasyon.

Pumagitna pa ang kapitan ng barangay na nangatuwiran na meron daw kasing ordinansa noong  sakop pa sila ng Makati tungkol sa ‘one side parking’ at nag-aadjust pa sila kung meron din ganitong ordinansa ang Taguig.

Hindi nga ba’t yan ang matagal na nating sinasabi, may basbas ng ilang mga opisyal ng barangay, kaya malalakas ang loob ng marami na ihimpil ang kanilang mga sasakyan sa lansangan.

Yun nga lang ang ibang mga motorista at pedestrian ang siya ngayon nagdudusa.

Nakakainit ng ulo ang ganyang pagkunsinti at ‘di pagkilos ng ilang opisyal ng barangay kahit alam nila na merong mga paglabag.

Aba’y kay kitid na ng daan papayagan pa ang ‘one side parking’ na ganyan.

Tandaang ginawa ang kalsada para daanan at hindi para gawing parkingan.

Halos ganyan din ang nangyari sa isang barangay sa Quezon City nang magsagawa rin ng clearing ops ang MMDA.

Nagkatensyon dahil pumalag ang mga nahatakan ng sasakyan.

Hirit pa ng barangay, kailangan umano na makipagkoordinasyon sa kanila bago magsagawa ng clearing.

Eh kapag ipinaalam naman sa kanila, ayun natitimbre na sa mga pasaway, na aalisin pansamantala ang mga sasakyan at pagkatapos ng operasyon ay balik na naman.

Dapat nga siguro dyan biglaan o sorpresa ang gawing mga operasyon o pagbulaga para mangadala.

Dapat din marahil na mapag-aralan ng LGUs ang mga ordinansa na pumapayag sa ‘one side parking’ kung meron man ganitong panuntunan sa kanilang lugar.

Iilan lang ang nakikinabang dito, at marami ang naaagrabyado.

Ano na nga ba ang nangyari sa panukalang batas na ‘no garage, no registration’ na marahil eh siyang magiging sagot sa problemang ito ng mga sabagal sa lansangan.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with