^

Pang Movies

Sarah, unang Pinay sa Global Force Award!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Sarah, unang Pinay sa Global Force Award!
Sarah

Ang Pinoy Pop Superstar na si Sarah Geronimo ang kauna-unahang Filipina singer, performer and recording star na tatanggap ng Global Force Award at the Billboard Women in Music Awards 2024 na gaganapin sa YouTube Theater in Los Angeles, California, USA sa darating na March 6, 2024. Isa na naman itong malaking karangalan hindi lamang sa misis ni Matteo Guidicelli kundi maging sa Pilipinas.

Ang isa pang Global Force awardee ay si Luisa Sonza ng Brazil.

Agad namang nagpaabot ng kanyang pasasalamat si Sarah G. sa bagong parangal.

Inaasahan naman ang pagdalo niya sa nasabing awards night sa Amerika at maaari rin siyang samahan ng kanyang mister na si Matteo.

Speaking of Sarah G., matuloy kaya ang kanilang reunion movie ni John Lloyd Cruz sa taong ito?

It was in May 2023 nang i-announce ng Viva ang reunion movie ng dalawa na ikina-excite ng kanilang fans.

Sina John Lloyd at Sarah G. ay nakapaghatid ng romantic hit movies in the past kasama na rito ang Finally Found Someone at A Very Special Love.

Sylvia, matagal nagalit sa ginawa ng tatay

Hindi ikinakaila ng award-winning veteran actress turned movie producer na si Sylvia Sanchez na nakaranas umano ang kanyang ina at silang anim na magkakapatid ng hirap magmula na sila’y iwan ng kanilang ama when she was 10 years old na never na umano nilang nakilala since then.

Ang huli nilang nakuhang balita ay sumakabilang-buhay umano ito sa ibang bansa with his new family, his Brazilian wife at dalawang anak.

Pero wala umanong nag-reach out sa kanila para ipaalam ang pagpanaw ng kanilang ama.

Hindi rin ikinakaila ng veteran actress na nagkaroon din siya ng grudge sa ama sa ginawang pagpapabaya nito sa kanila.

Pero sa kalaunan ay natuto umano siyang patawarin ito kahit hindi na ito nagpakita pa sa kanila kahit kailan. 

Nangako naman si Sylvia sa kanyang sarili na magsusumikap siya para sa kanyang ina’t mga kapatid at ito’y natupad.

Naipagpatayo niya ang kanyang ina at mga kapatid ng kani-kanyang bahay at nabigyan sila ng magandang buhay.

Gaano man siya ka-busy ay regular siyang dumadalaw siya sa kanilang probinsiya sa Nasipit, Agusan del Norte at may pagkakataon na kasama niya ang kanyang mga anak.

Nagpapadala rin ang pamilya Atayde ng tulong sa kanilang mga kapus-palad na mga kababayan sa Min­danao.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with