^

Pang Movies

Joshua, iniwan na si Bimby kay Kris!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Joshua, iniwan na si Bimby kay Kris!
ark Leviste, Bimby at Joshua
STAR/ File

Ngayong Lunes pa ang confinement ni Kris Aquino sa UCLA Medical Center in Los Angeles, California.  Ito’y ayon na rin sa kanyang boyfriend, ang Batangas vice-governor na si Mark Leviste.

Dinalaw si Kris sa inuupahan nitong bahay sa Orange County, California, USA ng kanyang sister na si Viel Aquino-Dee at nanatili ito roon ng limang araw at bumalik din agad ng Pilipinas kasama ang panganay ni Kris na si Joshua. Naiwan naman ang bunso ng Queen of All Media na si Bimby na ayaw iwan ang kanyang ina.

Sina Viel at Joshua na nakabalik na ng Pilipinas ay inihatid sa L.A. airport nina VG Mark at Bimby.

Kyla at Rich, tanggap na solo lang ang anak

Mukhang mananatiling mag-isa lamang ang anak ng mag-asawang Kyla at Rich Alvarez ang kanilang 10-year-old son na si Toby dahil limang beses nakunan ang R&B singer-songwriter and occasional actress sa kanyang ex-cager husband.

Thirteen years nang mag-asawa sina Kyla at Rich at makailang beses nilang sinubukang magkaroon ng kapatid ang kanilang panganay pero ito’y nauuwi sa miscarriage – dalawang beses nung 2018, isang beses nung 2021, another in 2022 at ang pinaka-latest ay nung December 2023.

Naniniwala ang mag-asawa na may ibang plano si Lord para sa kanila na manatiling mag-isa lamang ang kanilang anak.

Sarah at Mommy Divine, nagkaayos na!

Apat na taon nang mag-asawa ang celebrity couple, ang pop superstar na si Sarah Geronimo at ang kanyang singer-actor, army reservist at entrepreneur husband na si Matteo Guidicelli. The couple celebrated their 4th wedding anniversary nung nakaraang Feb. 20, 2024.

Since hindi pa nabibiyayaan ang mag-asawa ng anak, enjoy sila sa pagi­ging fur parents ng kanilang limang aso.

Samantala, may nagsabi sa amin na okey na umano ang relasyon ni Sarah sa kanyang parents pero hindi pa umano si Matteo.

Handang-handa na ang mag-asawang Matteo at Sarah na magkaroon ng baby pero habang wala pa ay patuloy lamang na ini-enjoy ang kanilang bon­ding na sila lang.

Sina Sarah at Matteo ay nagpakasal sa isang intimate Christian wedding ceremony sa Victory church in BGC with Pastor Paolo Punzalan who officiated the rites nung Feb. 20, 2020 na naging daan ng pagwawala ng ina ni Sarah na si Mommy Divine dahil itinago ito sa kanilang mag-asawa at sa kanilang pamilya.

Ito ang rason kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng parents ni Sarah ang mister nitong si Matteo.

JM at Donnalyn, level up na

Level up na ang status ngayon ng relasyon ng singer-actor na si JM de Guzman at ang Viva singer-songwriter, actress at popular vlogger na si Donnalyn Bartolome.

Si JM ang very vocal sa kanyang pagkagusto kay Donnalyn na kamakailan lamang ay nakasama niyang dumalo sa isang wedding na naging daan ng pag-post ng singer-actor sa kanyang IG account ng “How I wish I see you walk down the aisle.”

Senyales na kaya ito na gusto na rin ni JM na magkaroon ng sarili niyang pamilya lalupa’t may pamilya na rin ang kanyang ex-girlfriend na si Jessy Mendiola na ang mister ay ang host, actor, celebrity endorser at entrepreneur na si Luis Manzano.

Arjo at Maine, wala pang planong magkaanak?!

Sa darating na July 28, 2024 ay first wedding anniversary ng celebrity couple na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Very significant sa mag-asawang Arjo at Maine ang petsang July 28 dahil ito ang petsang unang nag-post sa kanyang Twitter account (X na ngayon) si Maine ng Arjo cutie at a time na wala pa sa showbiz ang tinaguriang phenomenal star.

It was also July 28 nang unang magkakilala ang dapat sa set ng una nilang pelikulang pinagsamahan, ang 2018 Metro Manila Film Festival movie na Jack Em Popoy na pinagbidahan nina Vic Sotto, Coco Martin at Maine. December of the same year ay naging magkasintahan ang dalawa na nauwi sa kanilang engagement at pagpapakasal.

vuukle comment

BIMBY

KRIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with