^

Pang Movies

Walang respeto sa institusyon? Mariel ginawang clinic ang Senado, pinagtawanan ang bashers

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Walang respeto sa institusyon? Mariel ginawang clinic ang Senado, pinagtawanan ang bashers
Mariel

Burado na ang post ni Mariel Rodriguez sa Instagram kung saan ay ibinida niya na nagpa-gluta-drip siya sa Senate office ng mister niyang si Sen. Robin Padilla.

Nag-upload ng dalawang larawan niya si Mariel habang nasa office ni Sen. Robin at makikita pa sa isang photo na nasa background niya ang mister.

“Drip anywhere is our motto! Hehehe i had an appointment… but i was going to be late so i had it done in my husband’s office hehe, I never miss a drip because it really helps in soooo many ways. Collagen production, whitening, energy, metabolism, immunity and so much more!!! So convenient and really effective. magaling talaga!!!!” ang caption ni Mariel.

Kaagad nag-viral ang nasabing post at umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens. Karamihan dito ay bina-bash si Mariel at kinukuwestiyon kung bakit sa Senate office siya nagpa-gluta drip session.

“No decency in the senate. Is this the type of imagery you want to convey to the Filipino public?” komento ng isang netizen.

“@senatePH what can you say about this ? No respect for the institution?” saad naman ng isa pa.

“Yan pala yung post. Naknang tokwa. Nagpa gluta drip sa opisina si Sen. Robin?! Ginawang clinic ang senado,” reaksyon naman ng isa pa.

“While inflation is getting higher, traffic gets worst every year, unemployment reaches peak.. this!” tweet naman ng isa pang X user.

“For me lang naman, parang hindi iginalang ang senado sa mga ganyan gawain,” komento pa ng isa.

Obvious naman na ‘di apektado si Mariel at pinagtawanan lang ang bashers at sinamantala ang pagti-trending para kumita.

Dominic, pilit na nakiki-pagbalikan kay Bea?

May posibilidad umano na magkabalikan sina Dominic Roque at Bea Alonzo.

Ito ang sinabi ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog.

“Feeling ko talaga, magkakasundo, magkakaayos, baka sakaling magkabalikan itong si Bea at si Dominic,” sey ni Mama Ogs.
Pagbahahagi pa niya, ilang gabi na raw kasing nakikita ang car ni Dominic sa harap ng bahay ni Bea.
Ito raw ay ayon sa kanyang source at naniniwala raw siya dahil ganito rin daw si Dominic noong time na nililigawan pa si Michelle Vito.
Ikinatuwa rin niya na mukhang magkakaayos na sina Bea at Dom.

vuukle comment

MARIEL RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with