^

Pang Movies

Sen. Robin, nasapul ang mga problema ng industriya

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nakakatuwa naman at ang Senado ng Pilipinas ay naging isang award-giving body na rin. Pinarangalan ng Senado sa pamamagitan ng isang resolusyon ni Senador Robin Padilla ang pelikulang Rewind, na ayon sa kanya ay kumita ng halos isang bilyong piso, ang mga artistang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera at ang director na si Mae Alviar ganoon din ang producer ng pelikula na Star Cinema.

Bagama’t binabanggit na naging matagumpay iyon sa kanilang pagsali sa Metro Manila Film Festival, hindi iyon nabigyan ng isa mang award ng jurors ng MMFF at tiyak na may katwiran din naman sila sa naging desisyon nila.

Siguro naman may dahilan din si Senador Robin   sa pagbibigay ng award.

Marami siyang binanggit na mga bagay na may kinalaman sa industriya. Tagilid daw ang industriya ng pelikulang Pilipino dahil sa taas ng bayad sa sinehan, ang mga pelikulang Pilipino naman daw ay sinasampal ng napakalaking tax, hindi na raw nagugustuhan ng mga Pilipino ang mga binarat na pelikulang ginagawa ng producers.

Natumbok ni Senador Robin ang tunay na mga problema ng industriya simula pa noong araw.

Ngayon ito ang kanyang ginawa, binigyan niya ng award ang mga artista at pelikulang hindi binigyan ng ano mang award ng jury ng festival na kanilang sinalihan.

Dominic, gamit na gamit sa mga nagpapa-viral

Itinanggi ni Dominic Roque na sa kanya nagmula ang isang statement na kumakalat sa social media na nagsasabing “Guys, never ever choose a girl na dumidepende sa yaman na meron ka at hindi sa pagmamahal na kaya mong i-offer. I should have known this from the start. Lesson learned.”

Niliwanag ni Dominic na wala siyang binibitiwang salitang ganoon.

Kaya lang may vloggers na gustong mag-viral kahit na wala namang dahilan kaya gumagawa ng fake news.

Iyan ang problema kung minsan sa vloggers magulo na nga ang sitwasyon pinagugulo pa nilang lalo. Kaya wala na rin halos naniniwala sa kanila eh, dahil sa kanila unang lumalabas ang mga issue na walang katotohanan.

Ex ni Pokwang, ‘di na makakabalik sa ‘Pinas

Parang ang tindi talaga ng galit ni Pokwang sa dati niya syota at tatay ng anak niyang si Lee O’Brian. Matapos silang magkahiwalay ay nagpetisyon siya na paalisin na sa Pilipinas si Lee. At nang malaman niya na nasa Pilipinas pa nga iyon kahit na may deportation order na, talagang kinalampag niya ang Bureau of Immigrations.

Kumilos naman ang commission, at saka nagbigay ng final decision sa kaso ni Lee, ngayon masaya na si Pokwang dahil sinabing sa susunod na buwan daw ay lalayas na nga si Lee at posibleng hindi na makabalik pa nga bansa.

Aywan pero hindi ba naisip ni Pokwang na ang nawalan ng malaki doon ay ang kanyang anak na si Malia.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with