^

Pang Movies

Ria at Zanjoe, pinatunayang wala sa haba ang relasyon

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa

Walang pagsidlan ng kaligahayan ang award-winning veteran actress, film producer at entrepreneur na si Sylvia Sanchez sa engagement ng kanyang second child sa husband niyang si Art Atayde – si Ria Atayde sa actor na si Zanjoe Marudo na pareho nang of age to settle down at bumuo ng sarili nilang pamilya.

Although nung nakaraang July 28, 2023 lamang ikinasal ang panganay nila ni Art na si Arjo Atayde at Maine Mendoza, mukhang magiging busy na naman ang pamilya Atayde sa paghahanda naman sa kasal nina Ria at Zanjoe na inaasahang mangyayari sa loob ng taong kasalukuyan.

It was only in 2022 nang maging magkasintahan sila na nagsimula lamang sa kanilang magkakabarkada kasama ang dating magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Joshua Garcia, Robi Domingo at iba pa.

Napatunayan nina Kathryn at Daniel na hindi guarantee ang matagal na relasyon para mauwi sa engagement at kasalan ang isang relasyon. Gayudin ang nangyari sa dating magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim na sa breakup din nauwi. Sa case kasi nina Ria at Zanjoe ay barely two years lamang ang pagiging magkasintahan pero sigurado nang sa kasal ang susunod na pangyayari.

Ang ironic dito, naging kasintahan ni Zanjoe ang aktres na si Bea Alonzo who recently called off her engagement sa kanyang fiancé na si Dominic Roque. Matapos kasi ang controversial breakup nina Bea at Dominic ay in-announce naman nina Zanjoe at Ria ang kanilang engagement .

Ria is turning 32 next month, March 23, habang si Zanjoe ay magpu-42 on July 23, long over due for him to settle down.

Donna, ‘di natulad sa mga pinsan ang kapalaran

Sa magpipinsang Sheryl Cruz, Geneva Cruz, Sunshine Cruz at Donna Cruz, ang huli na lamang ang buo pa ang pamilya hanggang ngayon.

Hiwalay sa kanilang ex-husbands sina Sheryl, Geneva at Sunshine.

Donna was at the peak of her singing and acting career sa bakuran ng Viva nang siya’y magpakasal kay Dr. Potenciano ‘Yong’ Larrazabal na isang ophthalmologist from Cebu City. 

Ang pag-aasawa ni Donna ang naging dahilan ng kanyang tuluyang pagtalikod sa showbiz to live sa hometown ng kanyang husband in Cebu, isang desisyon na kahit kailan ay hindi niya pinagsisihan.

Donna is happily married for 25 years (turning 26 this year) sa kanyang mister kasama ang kanilang tatlong anak na katulad niya ay may mga talent din sa pagkanta.

50th MMFF, pinaghahandaan na!

Magiging bongga ang paghahanda sa darating na ika-50th year ng metro manila film festival (mmff) on dec. 25, 2024 to jan. 7, 2025.

Ito ang tiniyak ng mmda at mmff chairman na si atty. Don artes.

Hindi pa sigurado kung 10 pa rin o ibabalik sa walo ang mapipiling official entries para sa 2024 mmff na ang line-up ay siya ring ipapalabas sa hollywood, california, usa for the manila inteternational film festival (miff) sa loob ng limang araw pagkatapos ng metro manila film festival run and awards night sa pilipinas.

Athough nagkaroon ng maraming flaws ang 1st miff in hollywood, siguro naman ay aayusin na nila ito para sa kanilang ikalawang taon although we have to admit that it was generally successful.

Tessie, tinanggap ang Quiapo… 

Kahit sa malayong Isle of Man na naka-base ang veteran actress-host, writer at dating stand-up comedienne na si Tessie Tomas kasama ang kanyang British husband na si Dr. Roger Pullin na isang marine biologist, hindi pa rin niya talaga tuluyang matalikuran ang tawag ng showbiz at acting na patuloy niyang binabalik-balikan.

Matapos mapanood si Tessie sa hit primetime series na Dirty Linen, pasok naman siya ngayon sa top-rating action-drama series na FPJ’s Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin.

vuukle comment

RIA ATAYDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with