^

Pang Movies

Maris, dalawang taong itinago si Rico!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Maris, dalawang taong itinago si Rico!
Maris at Rico

Hindi mapigilan ng Can’t Buy Me Love actress na si Maris Racal ang makaramdam ng kilig tuwing inaalala niya ang sweet moments nila ng karelasyong si Rico Blanco.

Binahagi niya kay Dra. Vicki Belo kung papaano nagsimula ang relasyon nila noong mag-collab sila ng sikat na singer.

Habang nagiging malapit daw sila sa isa’t isa dahil sa kanilang passion sa music, inimbita raw siya ni Rico sa isang music-related event.

Nahiya pa nga raw siya at inimbita na lang ito sa event ng mister na ngayon ni Maja Salvador na si Rambo Nuñez kung saan nagkakamabutihan pa ulit noong panahong iyon ang mag-asawa na ngayon.

Basta bigla na lamang daw sila nagkadebelopan.

Itinago pa raw niya ito sa loob ng dalawang taon at iyon daw ang kanyang happiest years na naranasan niya.

Hindi raw sila nakapag-date sa labas dito sa ‘Pinas.

Pero nang magkaroon daw siya ng work sa States at may five days off siya sa Las Vegas ay sinundan siya nito at iyon na raw ang kanilang first date ever.

Sinabi rin niyang 21 years old siya noon habang si Rico naman ay 45 years old at may 24 years age gap sila at sey naman ng doktora ay tinalo raw sila nito ni Hayden Kho na may 23 years age gap.

vuukle comment

MARIS RACAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with