^

Pang Movies

Bea, tahimik pa rin!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Bea, tahimik pa rin!
Bea Alonzo.

Durog-durog ang pagkatao ng actor na si Dominic Roque after his much celebrated breakup with his ex-fiancee, ang Kapuso star na si Bea Alonzo.

Since hindi nagsasalita ang dating engaged couple na may kinalaman sa kanilang paghihiwalay, kung anu-anong unfounded speculations and fake news ang naglabasan na dumating pa sa point na meron umanong businessman and politician benefactor ang binata na sa kalaunan ay lumutang ang mga pangalan ng businessman at mayor ng Dapitan City na si Bullet Jalosjos at ang negosyante at dating politician na si Bong Suntay.

Naaawa pareho sina Mayor Bullet at Bong sa kaibigan nilang si Dominic dahil sa pinagdadaanan nito na may kinalaman sa breakup nila ng kanyang fiancée na si Bea Alonzo.

Bukod sa joint statement nina Dominic at Bea, hindi pa nagga-grant ng interview ang dalawa tungkol sa kanilang paghihiwalay.

KathNiel, ‘nagpapagaling’ pa

Halos inseparable noon ang dating magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla laluna sa kanilang travels abroad maging sa mga paborito nilang beaches at panonood ng live concerts ng mga paborito nilang artist. Pero nang magkahiwalay ang dalawa after being together for 11 years ay kani-kanya na sila ng lakad.

Lumipad patungong Melbourne, Australia si Kathryn para panoorin ang Eras Tour ng pop superstar na si Taylor Swift habang si Daniel naman ay namataan sa reunion concert ng Rivermaya last Saturday kasama ang nakababatang kapatid na si Magui (Margaret) at ilang kaibigan.

Ito bale ang first public appearances nila pagkatapos ng kanilang pinag-uusapang breakup hanggang ngayon na nangyari last November 2023.

Tulad nina Bea Alonzo at Dominic Roque, tiyak nasa healing stage na rin ang dating magkasintahan.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with