^

Pang Movies

Ex ni Bea, pumalag sa bintang na benefactor!

Salve V. Asis - Pang-masa
Ex ni Bea, pumalag sa bintang na benefactor!
Bea

MANILA, Philippines — Hindi lang sina Dapitan Mayor Bullet Jalosjos at former congressman Bong Suntay ang lumantad para kontrahin ang pagkakadawit ng pangalan nila sa breakup nina Dominic Roque and Bea Alonzo.

 Sa wakas ay naglabas na rin ng official statement si Dominic na tumutugon sa isyung ibinato sa kanya ni Cristy Fermin sa kanyang mga vlog. “We strongly condemn the malicious and defamatory public statements of Ms. Fermin,” umpisa ng statement na inilabas ng kanyang mga abogado, Fernandez & Singson Law Offices.

Nabanggit din sa statement na “He is embarrassed and apologizes to Mayor Bullet Jalosjos and his family for being dragged into the public conversation because of the malicious, defamatory public innuendos of Ms. Fermin.”

Tinutugunan din ng pahayag ang isa pang isyu na kinasasangkutan ni ex-congressman Bong Suntay na tinutukoy si Dominic sa diumano’y isa “suspected benefactors” ng dating pulitiko.

“By making such a statement, Ms. Fermin made the innuendo that unreasonably casts doubt on the sexuality of former Congressman Bong Suntay.”

Itinanggi rin nitong may pag-aari ang actor na gas station. Company-owned daw ang lahat ng ‘yun.

Sinabi rin nito sa nasabing statement na hindi kailan man sila nag-away o nagkaroon ng hindi pagkakasundo sa isang prenuptial agreement ni Bea Alonzo kaya hindi natuloy ang kanilang kasal.

Sasagutin ngayong araw ni Nay Cristy sa kanyang programa sa CFM ang mga naging pahayag na ito ng mga abogado ni Dominic.

Eh kung ganun ba’t ang daming intriga kay Dominic.

May kasabihan na kung may usok may apoy.

Anyway, kelan kaya maglalabas ng statement si Bea?

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with