^

Pang Movies

Young actor, lulong sa damo

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nag-atrasan daw ang endorsements ng isang young actor nang mahiwalay sa kanyang ka-loveteam!

Wala namang kinalaman ang pagkalas sa love­team ng young actor kaya nawalan siya ng endorsements, huh!

May kinalaman daw ang nabalitang pagbibisyo ng young actor sa ipinagbabawal na marijuana, huh! Pero kung titingnan ang young actor, parang wala naman sa hitsura niya ang lulong sa bawal na halaman, huh!

Promising pa naman ang young actor dahil guwapo na, matangkad pa! Nagtatanong tuloy ang malapit sa kanya kung paano siya nahikayat na gumamit ng halamang bawal!

Marian at Dingdong, super chika sa mga Senador

Umabot na sa Senado ang achievement ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil sa pelikula nilang Rewind.

Present sa Senado sina Dong at Yan upang matanggap ang parangal mula sa Senado kasama ang production staff ng movie.

Kasama nina DongYan si Senator Joel Villanueva, Senator Risa Hontiveros sa isang picture habang may picture rin ang mag-asawa sa mga senador na naging bahagi ng pagbigay ng parangal!

Ang pelikulang Rewind ang may hawak ngayon ng record bilang highest grossing local film of all time!

Mabuhay kayo, Dingdong at Marian!

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with