^

Pang Movies

Mayor Bullet at Bong suntay, sinagot ang relasyon kay Dominic!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Mayor Bullet at Bong suntay, sinagot ang relasyon kay Dominic!
Mayor Bullet at Bong

Sabay ang interview kina Mayor Bullet Jalosjos at Cong. Bong Suntay ni Jay Ruiz sa Sentro Artista vlog nito. Parehong itinanggi ng dalawa ang pagkaka-link nila kay Dominic Roque and in fairness sa kanila, hindi sila galit at natawa na lang sa isyu sa kanila sa ex ni Bea Alonzo.

Ang isyu kay Cong. Bong, binigyan daw niya ng fuel pumping station si Dominic gayung brand ambassador lang daw ito ng fuel station business. “Kung talagang magre-research lang makikita nila as early as five years ago talagang brand ambassador na si Dominic. Ang nakakagulat nga ‘yung pinost pa nilang picture  ‘yung contract signing namin ni Dom,” pahayag ni Cong. Bong.

Nagpasalamat sina Bullet at Cong. Bong kay Jay sa pag-imbita sa kanila para ma-clarify raw ang isyu. Pareho silang nagtaka na umabot sa ganitong isyu na pati gender nila ay naging isyu.

Kasama sina Bullet at Bong sa EuroMonkeys na nabuo dahil sa love for motorcycle. Kagrupo rin nila sina Richard Gutierrez, Kim Atienza, at Dingdong Dantes.

‘Karelasyon’ kuno ni Xian, nadiskubre ang totoong edad

Fake news naman ang nagsabing older si Iris Lee kay Xian Lim dahil mas matanda naman pala ang aktor sa nali-link sa kanya ng four years. Kung 34 years old si Xian, 31 years old naman si Iris.

May nabasa pa nga kaming comment na mag-tita raw sila at may isang KimXi (Kim Chiu at Xian) fan na sa sobrang galit kay Iris, tinawag siyang auntie ni Xian.

Saka, halimbawang older ito sa kanya, hindi naman yata isyu kay Xian ‘yun.

May nakita rin kaming old photos nila kuha sa shooting ng Hello, Universe ng Viva Films and directed by Xian. Katabi niya ito na line producer ng movie at larawan lang ‘yun, pero kita ang chemistry nila. Sabi nga ng supporter ni Xian, nakaupo lang ang dalawa, pero may kilig na siyang naramdaman para sa kanila.

Mukhang solid na ang friendship o kung anuman ang relasyon nila dahil pati sa pagpunta sa gym at pagwu-workout ni Xian, kasama niya ito.

Ang sipag nga ng former KimXi fans sa paghahanap ng photos na magkasama ang dalawa, ang dami nilang nahahanap.

Samantala, nagpasalamat si Xian sa sumusubaybay at nagugustuhan ang Love. Die. Repeat series nila ni Jennylyn Mercado. Maganda lagi ang feedback ng viewers at mataas ang rating ng series.

Daniel at Kathryn, nagpapatintero!

Tila ayaw magkita nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil kung nasa Manila ang isa sa kanila, nasa malayong lugar naman ang isa. Remember, sa contract signing ni Kathryn sa ABS-CBN, nasa Siargao si Daniel at noong contract signing ni Daniel sa ABS-CBN pa rin, nasa Melbourne, Australia naman si Kathryn.

Nakabalik na ng bansa si Kathryn, si Daniel naman ang wala sa Pilipinas. Nakunan siya ng TikTok video na nasa airport at parang pipila na sa counter habang hila-hila ang kanyang maleta.

vuukle comment

DOMINIC ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with