^

Pang Movies

Manonood ng pelikula, naging choosy dahil sa cell phone

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ang problema ngayon ng mga pelikula, nasanay na ang mga tao na manood ng sine sa maliit na screen umpisa noong panahon ng pandemic. Kahit na sa maliit na screen lang ng cell phone puwede na.

Isa pa, malaganap pa rin naman ang piracy at ang ginagawa lang nila may dala silang USB drive kakargahan iyon ng sampung pelikulang gusto nila sa halagang isandaang piso lamang at pauit-ulit mo pang mapapanood ang peliikula hanggang hindi pa binubura.

May mga pagkakaton din namang naghihiraman sila ng USB drive kaya mas marami pa ang nakakapanood ng kanilang pelikulang nai-download.

Pero kung gusto nila ang pelikula pinanonood nila   sa malaking screen kahit na mataas ang bayad sa mga sinehan.

Ganun kalungkot ang kalagayan ng ating movie industry sa kasalukuyan.

Ang saklap.

Mga pelikula ng batikang si Eddie Romero, hinahanap ng FDCP

Nabanggit din ang ika 100 taong kaarawan ng National Artist for Film na si Eddie Romero.

Bilang pagkilala sa kanya hindi lamang siya bibigyan ng parangal, kundi naghahanap sila ng kopya ng mga pelikula niya para maipalabas na muli sa mga sinehan sa murang halaga lamang.

Ang planong iyan ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) ay isang mas makabuluhang pagpapahalaga sa mga natatanging anak ng sining.

Tiyak na marami pa silang makukuha niyan dahil mayroon pa ngang mga pelikula si Romero na kabilang sa mga restored version na ipinalalabas sa mga cable channels.

Talagang puro makabuluhang proyekto ang ginagawa ng FDCP sa ngayon, pinag-iisipan nilang mabuti ang gagawin bago sumabak sa isang proyekto.

Male starlet, suki ng video scandal

Wala nang magawa ang isang male starlet nang malaman niyang kumakalat ang kanyang nude pics at videos.

Naisip kasi niyang kung mag-iingay pa siya tungkol sa mga iyon ay lalo lamang mapapansin at kakalat.

Kilala naman ng male starlet kung sino ang baklang kumuha ng mga picture at videong iyon pero kasalanan din niya eh pumayag siya nang bayaran siya nang malaki, ngayon lang niya naiisip na maaari pala iyong makasira sa kanyang ambisyon.

Kung sabagay sanay na rin naman siya dahil may nauna na siyang ginawang scandal ilang taon na rin ang nakakaraan, kumalat din iyon, at dahil doon ay inalis siya sa pagiging isang commercial model ng isang produkto pero lumipas din naman at tila nakalimutan na iyon ng bagong fans.

Pero papaano kung lumabas nang lumabas kawawa rin siya.                                                                                                                                                 

At iyon daw mga scandal na ginawa niya lately ay marami. Isang malinaw na halimbawa ang katulad na walang natutunan sa naging karanasan.

vuukle comment

MOVIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with