^

Pang Movies

KathNiel fans, tuloy ang bardagulan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Kung si Kathryn Bernardo nanood ng concert ni Taylor Swift sa Melbourne, si Daniel Padilla naman ay nanood ng reunion concert ng Rivermaya.

Ganitong nag-i-enjoy sila na wala na silang relasyon, sana kumalma ang kani-kanyang fans na nagbabardagulan pa rin online. Kung anu-ano ang mga ibinabato nilang isyu sa dalawa na nakalulungkot dahil pareho naman nilang minahal ang ex-couple.

Si Daniel, ang kapatid na si Magui ang madalas kasama ngayon na ikinatutuwa tiyak ni Karla Estrada dahil nagba-bonding ang magkapatid.

Samantala, hinihintay na ng fans ni Daniel ang mga project na kanyang gagawin na inilatag nang mag-renew siya ng kontrata sa Kapamilya at sa Star Magic. Excited ang fans nito sa magiging project nila ni Maricel Soriano na pelikula siguro.

Isabelle at Anne, pang-special event ang outfit sa concert ni Taylor

Nakakatuwa ang tanong ni Nico Bolzico kina Isabelle Daza, Martine Ho, Nicole Shadbolt at Anne Curtis. “U dressed for a concert or a Tatler Event?” Nakaporma at glamorosa  ang magkakaibigan nang manood ng concert ni Taylor Swift sa Melbourne.

Bago pa sumagot ang apat sa tanong ni Nico, nauna na ang followers ni Isabelle sa pagsasabing bigger than a Tatler event ang concert ni Taylor Swift. Sabi naman ni Isabelle, “The Taylor effect” daw ‘yung nag-ayos sila para mapanood ang concert.

Makikitang nag-enjoy ang magkakaibigan, sumayaw at naki-sing-along pa sila, pinakapanalo si Isabelle na kahit malapit na sa stage ang seat nila, nagtatakbo pang lumapit sa stage.

Nagtatalon siya at napa-comment ang mom nitong si Gloria Diaz ng “Belle grabe at least u did aero there!!! What would Ades say!!” Tanong pa ni Gloria, saan daw iniwan ni Isabelle ang apo niyang si Balty.

Mark, Josh at Bimb, parang mag-aama na

Nakaka-good vibes ang nakita naming larawan ni Batangas Vice Governor Mark Leviste kasama sina Josh at Bimb. Ang ganda ng ngiti ng tatlo at parang twinning pa sa kanilang suot na khaki pants at black top.

Muli ay pinuri ng ilang fans ni Kris Aquino si Mark na nagpapabalik-balik sa USA para lang mabisita siya at ang mga anak nito na close na rin sa kanya. Ang laking tulong daw kay Kris na makitang tanggap nina Josh at Bimb si Mark at tanggap din ni Mark ang dalawang giants niya.

Kasama na rin sa dasal ng mga nagmahal kay Kris ang gumaling siya para may time sila ni Mark together.

Sigurado raw na aalagaan siya nito at pati sina Josh at Bimb at ang maganda pa, close sila mga anak ni Mark, magkakaibigan sila.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with