^

Pang Movies

Paulo, libre nang ligawan si Kim?!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Paulo, libre nang ligawan si Kim?!
Kim at Paulo

Siguro dahil happily married na si LJ Reyes sa USA kaya puwede nang lumigaw kay Kim Chiu si Paulo Avelino.

Pero ang huling nabalitang girlfriend ni Paulo ay si Janine Gutierrez na naghiwalay raw pero nagkabalikan din.

Balita kasi na nagkakalapitan na ang loob ng dalawa. Wala namang problema dahil meron na rin daw bagong girl si Xian Lim.

Parang merry go round talaga ang nangyayari sa love affair ng stars natin kaya kung minsan nakakalito na.

Para na ngang ang liit ng mundo kaya sila-sila rin ang nagkikita. Lalo pa nga ngayon na halos sa TV na lang ang trabaho dahil nga kokonti o wala na halos gumagawa ng movies.

Klea, nilipad ang jowa nung araw ng mga puso

Ang bongga naman ng pa-Valentine’s date ng aktres na si Klea Pineda sa girlfriend na si Katrice Kierulf.

Sinorpresa ito ni Klea sa pamamagitan ng pagsama rito sa ere at umikot sa mga isla sa ‘Pinas.

Habang nakaupo ang aktres sa tabi ng piloto, passenger princess naman si Katrice.

Caption naman ni Klea sa kanyang post kung saan ibinahagi ang video nila habang lumilipad, “Not your ordinary “Valentine’s Day” date!

“Hello, this is your Captain Klea speaking, Thank you for flying with us my official passenger princess.”

Na totoong hindi ordinaryong date ang ibinigay sa kanyang girlfriend. Nangako rin siya na pasasayahin niya ito araw-araw at sana raw ay nasorpresa niya ito.

Sinagot naman ito ni Katrice na sinabing napakaswerte niya sa jowa at sobrang saya raw niya noong Araw ng mga Puso dahil kay Klea.

Marami namang fans ang bumilib sa kanya at grabe raw ito magsorpresa at nilabas ang romantic side.

Maaalalang sinabi ni Klea na pangarap niyang maging piloto.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with