^

Pang Movies

Kapatid ng sikat na young actor, palengkera ang peg!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Sobrang palengkera at sigaw nang sigaw itong babaeng kapatid ng isang sikat na young actor na nagbibida na rin sa series.

Eh sa mga ginawa ka­sing series ng sisteret ng young actor, parang hindi siya gaanong pansin, huh! Hindi markado ang presence niya.

Sa isang show na kung saan guest si female star, bida-bida siya. Kaya naman todo awra siya at sigaw nang sigaw! Para siyang nasa palengke, huh!

Mabuti sana kung may finesse o breeding ang boses niya pero hindi. Nakakairita ito, huh!

Dapat sigurong rendahan ng kapatid niyang lalaki si female young star para lumabas naman ang breeding niya kapag isa siyang guest, huh!

Kelvin, maraming naging ka-Valentine

Kakaibang Valentine’s day celebration ang ginawa ng Sparkle artist na si Kelvin Miranda matapos ang guesting sa TikToClock.

Eh sa halip na idaos ni Kelvin ang okasyon sa isang resto o ‘di kaya’y isama ang mga mahal sa buhay, aba, umikot siya ng Timog Avenue na may dalang bulaklak at ibinigay sa bawat babaeng makasalubong niya, teenager man ito o may edad niya!

Inilabas ng Sparkle ang video ni Kelvin na namimigay ng bulaklak sa Instagram account nito at ‘yung nabigyan ng bulaklak, nagkaroon pa ng chance na makasama sa litrato si Kelvin.

Walang nababalitang girlfriend si Kelvin at sa isang ilalabas niyang movie, kapareha niyang muli si Beauty Gonzalez na nakasama niya sa Loving Miss Bridgette series nila sa GMA.

vuukle comment

KELVIN MIRANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with