^

Pang Movies

Xian, nilantad ang babaeng pinalit kay Kim?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Xian, nilantad ang babaeng pinalit kay Kim?!

Kasusulat lang namin na parang walang ganap sa Valentine’s Day si Xian Lim dahil single na siya, heto at hindi lang name reveal, may face reveal pa sa girl na nali-link sa kanya ngayon. Actually, noon pa napangalanan ang isang Iris Lee na producer daw sa Viva Films ang nali-link sa kanya ngayon, pero walang makapag-post ng latawan nito.

Noong eve ng Valetine’s Day, may fan sina Xian at Kim Chiu na nag-post ng photos nito kasama ang isang girl at si Iris daw ang girl. Sa unang photo, tila nasa isang party sila ng magkakaibigan at nagkakatuwaan.

Mas maganda ang mga sumunod na photos na pinost ng former KimXi fan na ngayon ay solid fan na lang ni Kim. Magkatabi sila at nakaakbay pa ito kay Iris, pero hindi lang sila ang nasa picture, may isa pang girl at isang guy, na-crop lang ‘yung isang girl. Ang sabi ng former KimXi fan, nag-aral mag-motor si Iris para makasabay sa hilig ni Xian.

Galit kay Xian ang fans dahil ipinagpalit daw si Kim sa parang tita na lang niya na kung titingnan si Iris, parang hindi naman nagkakalayo ang edad nila ni Xian. Pasalamat daw sila na nakawala ito kay Xian dahil nga cheater daw pala ito.

Ang paniwala pa ng fans, matagal na ang relasyon nila at nagsimula raw nang gawin ni Xian ang pelikulang Hello Universe. Kaya ayun, kanya-kanyang research na ang fans to know more about Iris.

Bale ba, nag-cheat kay Jennylyn Mercado ang karakter ni Xian sa Love. Die. Repeat kaya bagay raw sa kanya ang role na ginagampanan sa GMA 7 series. Hindi na raw niya kailangang umarte pa.

Rita, inaming naging third party!

Gustong malaman ng mga Marites ang couple na naghiwalay dahil kay Rita Daniela. Inamin kasi ni Rita sa Sarap ‘Di Ba sa segment na True or Charot na naging third party siya sa isang celebrity couple. Nang manligaw raw ang guy sa kanya, sinabing single kahit may girlfriend naman pala ito.

Naghiwalay raw ang celebrity couple dahil sa kanya, pero nagkabalikan din at nagpakasal pa nga. Hindi naman siya na-guilty dahil nagkabalikan naman ang dalawa at ikinasal pa nga.

Ayon pa sa kanya, ilang beses siyang nag-sorry sa couple, lalo na sa girl at kasal na nga ang dalawa. As for Rita, hindi naging happy ang relasyon niya sa ama ng anak niyang si Uno dahil naghiwalay rin sila. Single mom ang singer-actress na very happy sa kanyang anak.

Paulo, may pa-bouquet kay Kim!

Pinakilig ni Paulo Avelino ang staff yata ‘yun ng series nila ni Kim Chiu na What’s Wrong with Secretary Kim nang bigyan niya isa-isa ng rose. Sa reels na aming napanood, may naglupasay sa kilig, meron namang napatili ng walang sound, tinakpan kasi ang bibig.

Meron namang itinaas ang hawak na rose sa sobrang tuwa at kilig sa natanggap na rose from Paulo. Doble kilig pa dahil siya mismo ang nagbigay ng rose sa staff and in the end, may picture taking pa ang staff kasama siya hawak ang bigay nitong rose.

Siyempre, ang pinakamalaking bouquet of flowers ay binigay niya kay Kim Chiu na ang ganda-ganda ng ngiti habang hawak ang flowers na sa laki, natabunan na ang mukha niya.

So, may aaminin na ba ang dalawang ito?

 

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with