^

Pang Movies

Young actor na todo alalay sa kapwa actor, pinagdudahang kloseta!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Pinagdududahan ang isang junior actor kung tunay ba itong lalaki o bisexual. Kasama kasi si junior actor sa tropa ng young actors kung saan kabilang ang isang kontrobersyal young actor.

Nu’ng kasagsagan ng kontrobersiya sa young actor, madalas itong mag-iinom kasama ang tropa pati na si junior actor na may dyowa ring artista mula sa isang showbiz clan.

Hindi sanay sa inuman si young actor. Kaya naman todo alalay sa kanya si junior actor lalo na kapag nagiging emosyonal sa pinagdaanang kontrobersiya!

Eh sa isang inuman, nasuka si young actor. Nataranta si junior actor na as if, may relasyon silang dalawa. Takang-taka ang mga katropa nila dahil todo asikaso si junior actor sa lasing na young actor, huh!

Kloseta ba o talagang maasikaso sa mga katropa? ‘Yan ang iniisip ng ibang katropa ng junior actor, huh!

Dingdong at Marian, binigyan ng pagkilala sa QC!

Non-stop ang recognition na tinatanggap ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil sa tagumpay ng comeback movie nilang Rewind.

Ang latest na recognition na natanggap nina Dong at Yan ay mula sa Quezon City Government led by QC Mayor Joy Belmonte.

Halos buong QC Council ay present sa awarding sa mag-asawa led by Councilors Alfred Vargas at Aiko Melendez.

Bidang-bida ang QC sa ilang eksena ng mag-asawa sa Rewind.

Congratulations, Dong at Marian!

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with