^

Pang Movies

Pulitiko, nababansutan sa aktor na niregaluhan ng condo ng bading  

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nataranta ang mga kaibigan ng isang male public official/pulitiko sa bandang South dahil siya ang itinuturo na nagbigay ng condo sa isang aktor na sangkot sa latest na kontrobersiya ng pagmamahalan!

Sunud-sunod ang tawag sa cellphone ang natanggap ng politician na iba man ang sexual preference eh matapang at matalino!

Isang kabigan sa showbiz ang nakausap ng politician upang tanungin kung siya ang nagbigay ng condo sa aktor.

Kaswal na kaswal na sagot ng politician, “Hindi ako ang nagbigay! Hindi ko siya type dahil bansot siya!” Aray ko!

Mahilig kasi sa matatangkad ang politician na kahit iba ang sexual preference, mataas pa rin ang respeto sa kanya ng nasasakupan!

Boy, ‘di pinatulan sina Bea at Dominic

Pinanatili ng King of Talk na si Boy Abunda ang huwag nang magsalita pa kaugnay ng inilabas na joint statement nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa hiwalayan nilla.

Si Kuya Boy ang nagkumpirma ng hiwalayan ng dalawa sa kanyang talk show na Fast Talk.

Pero kapansin-pansin na sa bahagi ng statement ng ex-couple, nagsabi silang wala silang binigyan ng permiso na kumpirmahin ito.

Isinaalang-alang na lang ng netizens ang closeness nina Kuya Boy at Bea lalo nung magsama sila bilang judges sa GMA show na Battle of the Judges.

Sa nangyari, it’s Kuya Boy’s statement against Bea and Dominic!

vuukle comment

BOY ABUNDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with