^

Pang Movies

Barkada movie na kinuhanan pa sa Thailand!

Pang-masa
Barkada movie na kinuhanan pa sa Thailand!
Enrique Gil

MANILA, Philippines — Kakaibang Enrique Gil raw ang nagbabalik at maghahatid ng todo-todong good vibes at katatawanan sa inaabangang comeback movie niya na I Am Not Big Bird na mapapanood na sa mga sinehan simula sa Araw ng mga Puso (Pebrero 14).  “I’m super proud of our film. I just really want to make people laugh and I think it’s the perfect time to comeback, especially with a film like this,” sabi ni Enrique sa naging panayam niya sa Kapamilya Chat.

 Ginagampanan niya ang papel ni Luis Carpio, na may ‘malaking’ misyon sa Thailand kasama ang ilang kaibigan pagtapos niyang masawi sa pag-ibig. Magug-ulo ang plano niya dahil sa kasamaang palad ay mapagkakamalan siya bilang ang sikat na Thai adult video star na si  Big Bird.

 Ayon sa Kapamilya actor, nagustuhan niya agad ang konsepto ng pelikula dahil ito rin ang tipo ng palabas na gusto niyang panoorin.  

Aniya, “I am a huge fan of comedy films, those 90s, early 2000s comedies, some of the US comedies, na hindi ko talaga nakikita na o napapanood. To be able to do a film like this here in the Philippines, I just had to do it.”

 Tampok rin sa barkada movie na nagbabalik sa dekada ‘90 sina Pepe Herrera, Nikko Natividad, at Red Ollero na makakasama ni Enrique sa riot na pagda-daanan niya sa Bangkok.

 “Dito mo makikita, it’s not about manhood or having a chick, it’s really about keeping your friends,” sabi ng manunulat ng pelikula na si Lilit Reyes sa ginanap na The Big Media Conference.

 “It’s more of a self-discovery along with rediscovering friendship na mga nakalimutan mo na. Para siyang pagtanda at pag-develop ng isang lalaki during that time sa mga na-experience niya sa Thailand,” ayon naman sa isa pang writer ng pelikula na si Joma Labayen.

NCAA Juniors Basketball Tournament, simula na!

Patuloy ang aksyon sa NCAA Season 99 dahil umpisa na ang bakbakan sa NCAA Juniors Basketball Tournament! Idinaos ang opening ng tournament nitong Sabado, February 10, sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Gaganapin ang mga kaabang-abang na laro ng 10 competing schools tuwing Wednesdays, Fridays, at Sundays. Dahil GMA ang home of the NCAA, mapa-panood ang game highlights ng tournament sa newscasts ng GMA Integrated News at online sa Facebook at X page ng GMA Sports at GMA Synergy. Eere rin sa GTV ang finals nito.

Anong school kaya ang magka-kampeon this season? Suportahan ang paborito ninyong NCAA Juniors Basketball Team at subaybayan ang kanilang journey to the crown.

vuukle comment

ENRIQUE GIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with