^

Pang Movies

Daniel, may pangontra sa mga gagawin ni Kathryn

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Daniel, may pangontra sa mga gagawin ni Kathryn
Daniel Padilla
STAR / File

This Monday, Feb. 12, 12:30 p.m., ang contract signing ni Daniel Padilla sa ABS-CBN. Kasabay nito, may big announcement daw na mangyayari tungkol siguro sa mga proyekto na gagawin ni Daniel sa ABS-CBN at sa Star Cinema.

Masaya ang fans niya dahil hindi siya bibitawan ng ABS-CBN at patuloy na sinusuportahan kahit break na sila ni Kathryn Bernardo. Waiting ang fans sa mga project na ia-announce at puwede naman talagang tumakbo pa ang kanyang showbiz career kahit hiwalay na sila.

Ang request ng fans, ‘wag nang bigyan ng permanent love team si Daniel, ipareha siya sa iba’t ibang aktres at isama sa big stars kahit hindi Kapamilya. Kung kay Kathryn, malakas ang request na ipareha siya kay Jericho Rosales, hanapan din sana ng ABS-CBN si Daniel ng aktres na babagay sa kanya at may chemistry ang kanilang tambalan.

Sana raw, pasiglahin ng Star Music ang recording career ni Daniel, magkaroon uli siya ng hit song gaya ng Mabagal at Nasa Iyo Na Ang Lahat. May napanood kaming video nila ni Sarah Geronimo na nagdu-duet ng Moon River at ang ganda ng duet na ‘yun. Kahit hindi niya kapanahunan ang song, nakasabay si Daniel kay Sarah na ang nasabi ay “ang gwapo naman ng batang ito.”

Jake at Chie, HHWW sa mall!

Kung may mga nagbe-break na couple, may mga bago namang nagkakainlaban at ang iba, parang opisyal na ang relasyon. Gaya na lamang nina Jake Cuenca at Chie Filomeno na nakunan sa TikTok habang nagmu-malling sa Rockwell Plant.

Magka-holding hands na naglalakad ang dalawa at hindi siguro alam na may kumukuha ng video sa kanila at pinost sa TikTok. Dahil magka-holding hands, sabi ng netizens, parang ginawa na ring opisyal ng dalawa ang kanilang relasyon. Hinihintay na lang ang pag-amin nila in public na sila na nga.

Matatandaang ang tagal din ng flirting stage ng dalawa. Noong una, pa-like-like lang si Jake sa mga pino-post na photos ni Chie sa kanyang IG, tapos nagko-comment na at ito na nga ang latest.

In fairness, very open si Jake na like niya si Chie, nanligaw at ngayon, couple na sila. Ang wish lang ng netizens, maging forever na ang kanilang relasyon at hindi ‘yung pang-ilang buwan lang.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with