^

Pang Movies

Aktres, gumaganti sa asawang nambabae

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Lintik lang ang walang ganti! O, bagung-bago, huh!

Parang ‘yan ang gustong iparating ng artistang asawa ng isang sikat na aktor na balitang nagkakalabuan ngayon!

Kasi naman, balitang babae ang dahilan ng panlalamig nila sa isa’t isa bukod sa umano’y pagiging bayolente ng lalaki, huh!

Ang chika ng mga Marites, may umaaligid na mga anak ng mayamang negosyante sa babae! Handa raw nilang gawing partner si girl lalo na’t bumalik na ito sa showbiz na taglay pa rin ang ganda!

Pero hindi kumakagat ang babae lalo na’t mga bata pa ang anak na kailangan niyang alagaan at bigyan ng guidance, huh!

Handa naman daw maghintay ang umaaligid sa kanya at parang ‘yun ang magiging pang-asar niya sa dating asawa, huh!

Direk Zig, lampas pa sa pangarap ang makatrabaho si Marian

Lampas pa raw sa pangarap ang deskripsiyon ni direk Zig Dulay na maidirek si Marian Rivera!

Ipinahayag ng Metro Manila Film Festival best director na hindi niya akalaing mabibigyan siya ng oportunidad na maidirek si Marian sa comeback primetime series niyang My Guardian Alien.

Si direk Zig ang nagdirek sa TV ng Maria Clara at Ibarra kaya honor sa kanya sa pagbabalik ni Yan sa Primetime TV eh siya ang naatasang magdirek nito.

Isang science-fiction ang series kung saan first time makakapareha ni Marian si Gabby Concepcion.

vuukle comment

MARIAN

ZIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with