^

Pang Movies

Hiwalayang Dominic at Bea nahaluan ng pulitika, kapatid todo paliwanag!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Hiwalayang Dominic at Bea nahaluan ng pulitika, kapatid todo paliwanag!
Dominic

Naglabasan ang iba’t ibang isyu kay Dominic Roque pagkatapos ng breakup nila ni Bea Alonzo at magtataka ka kung bakit ngayon lang naglabasan?

Bakit noong hindi pa sila naghihiwalay ay hindi nagsulputan ang mga isyung naririnig at nababasa natin.

Isa na sa isyu kay Dominic ay Apolo10 din ito at kinailangan pa naming hanapin at itsek kung ano ang ibig sabihin ng Apolo10. Ang tagal din naming hinanap ang sagot sa tawag na ito sa kanya at hindi namin alam kung matatawa kami o magseseryoso sa aming nalaman.

Ang ibig palang sabihin ng Apolo10 ay apologist at Marcos apologist daw si Dominic. Natsek sa kanyang Instagram na fina-follow niya sina President Bongbong Marcos, First Lady Liza Marcos, at mga anak na sina Sandro at Simon Marcos. Kaya ang comment ng fans ni Bea, “she dodged a bullet.”

Hindi ba, nahaluan na ng pulitika ang breakup nila? Ikinakabit pa sa isyu na Kakampink naman si Bea at sigurado raw na naging isyu sa kanila kahit papaano na magkaiba ang political leanings nila.

Mayroong hindi nakapigil at nag-comment na pati ba naman ang breakup ng BeaDom ay hahaluan ng politics. Bea deserves better daw at dahil dito, in-unfollow na nila si Dominic.

Samantala, naka-post sa IG story ng brother ni Dominic ang paliwanag na hindi patungkol kay Bea  ang post niya ng illustration ng wolf in sheep’s clothing.

Sabi ni Lhean Roque, “Hello everyone, I just want to clear up the story I posted recently. It wasn’t about Ate Bea or anyone close to her, it was work-related. And I didn’t think that it would be taken out of context. Because I usually post random stuff and no one bats an eye. I hope this explains it. And this should be the last post I’ll do about their issue.”

Marami kasi ang nag-akalang patungkol kay Bea ang post ng brother nito at sagot niya sa post ng road manager ni Bea na si Nina Ferrer na nag-post ng “manipulative sad boi” at sinundan ng post na “hustler.”

Kahit definition lang ng manipulative sad boi at hustler ang post ng road manager niya, marami pa rin sa mga nakabasa ang naniniwalang pa-shade niya ‘yun kay Dominic. Kaya raw sumagot ang brother nito na tinanggi naman nito.

Nagiging messy ang breakup nina Bea at Dominic sa rami ng isyu. Bakit daw hindi sila gumaya sa paghihiwalay nina Jericho Rosales at Kim Jones na tahimik. Nakumpara rin sila sa breakup nina Xian Lim at Kim Chiu na sa una lang nagkaroon ng ingay na agad tumahimik dahil hindi nagsalita si Xian.

Katrina, tinalakan ang anak sa kaka-online shopping

Pinatawa ni Katrina Halili ang mga kaibigan sa post niya ng madalas na pag-o-online shopping ng anak na si Katie. Nangako naman si Katie na last na siya mag-o-order lalo na at sinabi ni Katrina na wala na siyang pera.

Sa isa pang clip, makikitang kausap ni Katie ang delivery man, kinansel nito ang kanyang order dahil wala nang pera ang mama niya. Mabuti at napakiusapan ang delivery man at ang importante, puwedeng i-cancel ang order ni Katie.

Comment ng dad ni Katie na si Kris Lawrence, “Last na Katie... doble triple na mga beanie boos mo.” So, beanie ang madalas na i-order online.

Speaking of Katrina, back to normal na ang buhay nito pagkatapos pumanaw ang partner niyang si Jeremy Guiab kamakailan lang. Makakatulong sa kanya ang makalimot dahil magiging busy siya sa bago niyang series sa GMA 7.

vuukle comment

DOMINIC ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with