^

Pang Movies

Guwapong young singer, nakaharap ang ‘bugaw’

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nag-krus ng landas ang isang baguhan na guwapitong young singer at isang “naghahatid” ng alay sa mga rich accla sa isang probinsiya.

Hindi muna pinansin ng tagahatid si male singer until nagpakilala ito sa kanya. Binanggit ni singer sa tagahatid na siya ‘yung dinala niya sa isang probinsiya.

Biglang naalala ng tagahatid ang ginawa niya sa singer at saka lang niya napagtagpi-tagpi ang kuwento ng ginawa niya sa male snger, huh!

Eh sa rami ng “hinahatid” niya upang mag bigay-aliw, nalilito na ito lalo na’t marami rin ang nangangailangan, huh!

Marian, nanopla ng poser

Idinipensa ni Marian Rivera ang sarili sa lumabas na isang pahayag na sinasabing galing sa kanya!

Agad naglabas ng paglilinaw si Yan sa kanyang Facebook account upang ipag-alam sa lahat na hindi sa kanya nanggaling ang pahayag na ito.

“Kaway-kaway sa mga suwerte sa biyenan. Hindi man sweet sa social media, pero mabait, concern sa ‘yo at sa mga bata, ‘di sinusulsulan ang anak nilang lalake, at mahal pa rin na parang totoong anak niya,” ayon sa caption na mayroon pang profile pic ni Marian sa nasabing post.

Sinopla ni Marian ang post na ‘yon at sinabing, “Hindi ko ‘to sinasabi bakit ba may mga taong hilig mag edit? Nakakarami na  po kayo, tama na!”

Sa totoo lang, walang sinisino ang mga poser ngayon!

Kahit abala sa taping ng GMA series niyang My Guardian Alien, hindi palalampasin ni Yan ang ganitong post lalo na kapag may kaugnayan sa pamilya niya at ng asawang si Dingdong Dantes, huh!

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with