^

Pang Movies

Mga kagamitang binebenta ni Carla, inalipusta ng ibang buyer!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Pati si Rabiya Mateo nag-abang sa live selling ni Carla Abellana ng kanyang pre-loved items na ang iba, hindi pa nagagamit at ang iba’y brand new. Tsinek namin ang carlaangeline_closet at puro branded ang stuff na mabibili from bags, to shoes, scarf, and key chain.

 Siguraduhin lang ng mga bibili na may pera sila dahil may kamahalan ang mga gamit na ibenebenta ni Carla. Gaya na lang ng Faure Le Page Yellow and Navy Blue Keychain na for sale for P8,500. Iyong Hermes Corfou Pastel Yellow and Light Blue Sandals ay for sale for P18,500.

 May mga natuwa sa stuff na benebenta ni Carla, meron din kaming nabasang reklamo. Gaya na lang ng Hermes sandals, hindi man lang daw nilinis bago i-post tapos mahal pa.

 May nagreklamo naman sa Dolce & Gabbana Satin Red Bow Stiletto Heels na made in Italy and sale for P18,500. Sabi ng netizen, binili lang daw ni Carla ang shoes for P8,500 tapos ibebenta ng P18,500 at hindi man lang daw nilinis. May komontra nga lang dahil P34, 000 daw ang original price nito.

 May paliwanag naman si Carla na ang damage ng ibang gamit ay dala ng storage noong pandemic at hindi dahil sa luma na o over used.

Hopefully, mabenta lahat ang mga gamit ni Carla dahil sayang kung nasa closet lang niya, magaganda pa naman at naluluma lang. Curious naman ang isang netizen, bakit daw bili nang bili ang mga artista, hindi naman nila nagagamit?

Barbie, binuksan ang dream house

Binibiro ng kanyang fans si Barbie Forteza na sinisipag magluto dahil maganda ang kitchen sa bago nilang bahay. Ang aliwalas ng kitchen ng bahay ng mga Forteza at parang nakakahiyang dumihan. Nakaganda pa ang white and brown paint ng kitchen at baka pati buong bahay white and brown din ang pintura.

Hindi mahilig mag-flex ng kanilang bahay si Barbie, pero baka sa bagong bahay ay magpa-house tour na siya na dapat naman talagang ipagmalaki ang bahay dahil sabi nga ng fans, pinaghirapan at pinag-ipunan niya ito. Nag-rent pa nga muna sila para paghandaan ang pagpapatayo ng kanilang dream house.

 Kasama sa pine-flex ni Barbie ay ang mga gamit sa kanilang bahay gaya ng custom-made 8-seater solid walnut dining table and mahogany chairs. Nagpagawa  rin siya at ginaya ang iconic couch na gaya sa orange couch sa favorite American series niyang Friends.

 Nabanggit na rin pala ni Barbie na nagpakabit sila ng CCTV sa buong bahay for security purposes. Gusto niyang kahit wala siya, natsi-check pa rin niya ang kabahayan.

Inaabangan ng fans ang pa- housewarming nina Barbie to know kung ano ang magiging gift ni David Licauco at ng boyfriend niyang si Jak Roberto. Pati na rin ang ibang friends ni Barbie.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with