^

Pang Movies

Catriona at Sam, kanselado rin ang kasal?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Catriona at Sam, kanselado rin ang kasal?!
Catriona at Sam

Pati pala ang engaged couple na sina Sam Milby at Catriona Gray ay nababalitang break na o kaya’y kanselado na ang kasal dahil nakita si Catriona na hindi suot ang engagement ring. Ilang events nang hindi nakitang suot niya ang kanyang engagement ring na ikinabahala ng supporters nila.

May mga nagtanong sa kanya kung break na ba sila ni Sam dahil hindi na niya suot ang engagement ring. May nagtanong pa ng “Is your  wedding already called-off? You are no longer wearing your engangement ring?”

Isa pang tanong, bakit daw wala nang photo si Catriona na kasama ni Sam?

Nagwu-worry ang fans na ikina-react ng isang netizen at tinawag na OA ang mga nagtanong na hindi sinagot ni Catriona.

May tumawag namang dramatic ang fans nina Sam at Catriona dahil hindi lang daw suot ni Catriona ang engagement ring, break na agad.

Hindi raw ba naisip ng fans na baka nakalimutang lang isuot ni Catriona ang kanyang engagement ring o kailangan ba suot ba ‘yun 24 hours?

Hindi matanong ng fans si Sam dahil hindi ito nag-a-update sa kanyang Instagram at December 2023 pa ang last post niya to promote Replacing Chef Chico.

Bea at Dominic, pilit na pinaaamin sa hiwalayan?!

Isa sa most visited ang Instagram ni Dominic Roque sa mga araw na ito dahil sa balitang break na sila ni Bea Alonzo. Kaya lang, walang makuhang update na galing sa IG nito dahil naka-off ang comment box ng ilan niyang post, kaya hindi siya matanong.

May open naman na comment box, pero limited ang puwedeng mag-comment. Karamihan din sa post niya ay throwback photos, videos and reels, kaya walang makuhang update ang fans nila ni Bea.

May mga nakalulusot pa ring balita, gaya ng in-unfollow na raw ni Dominic si Bea na of course, kailangan pa nating i-verify. Pero nang i-check namin ay naka-follow pa naman ang mga ito.

Bagay rin na hindi namin pinaniniwalaan dahil parang hindi naman ang tipo nila ang magpapaka-petty to unfollow each other’s IG dahil lang sa tsikang may conflict sila ngayon.

Anyway, marami ang nalulungkot sa balitang may problema sa pagitan nila at feeling ng fans, may kinalaman dito ang wedding preparations sa kanilang kasal.

Matatahimik lang ang BeaDom fans kapag suot na uli ni Bea ang kanyang engagement ring at sa side ni Dominic, kapag nag-post na uli siya ng photos nila ni Bea.

Matigas..., 4 na kotse na ang pinasabog

Napanood namin ang video ng grand motorcade ng cast ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis kung saan, ilan sa nakasama ni Sen. Bong Revilla ay sina Beauty Gonzalez, Herlene Budol, Angel Leighton, Liezel Lopez, Lianne Paz, Maey Bautista, Dion Ignacio, Niño Muhlach at iba pang hindi namin nakita sa video.

Tuwang-tuwa ang mga tao sa mga pinuntahan ng cast mula Taguig, Muntinlupa, at San Pedro, Laguna. Ang saya-saya nila habang nasa float, nagsasayawan at hindi sila puwedeng mapagod dahil ‘yung 1 p.m. na inabot sila ng gabi.

Tama lang ang schedule ng motorcade sa premiere ng action comedy series at 7:15 p.m.,

Nagbiro si Bong na ‘pag natapos ang motorcade, tisay at tisoy na sila dahil sa init. ‘Katuwa na panay ang sigaw ni Beauty ng “Tolomeee” na sinasagot ng tao ng “Tolomeeee.”

Pangako ni Bong sa viewers ng action comedy series, hihigitan daw nila ang Season 1 at batay sa trailer at sa mga naikuwento sa mediacon, tinupad nila ni director Enzo Williams ang pangako.

So far, apat na kotse na ang pinasabog sa mga naunang taping at marami pang pasasabuging kotse.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

SAM MILBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with