Gladys, matagal bago nadiskubre ang autism

Gladys Reyes

Ang bongga naman ni Gladys Reyes na isa sa celebrity guests sa isang autism awareness event.

Kasama rin niya sina Candy Pangilinan at Janina San Miguel na ibinahagi ang kanilang kuwento sa isang event na in-organize ng Autism Society Philippines.

Naalala ni Gladys noong panahong hindi pa nila alam kung ano ang autism.

Wala raw silang ideya sa kondisyon ng kapatid nilang si PJ pero alam nilang may kakaiba sa kilos nito.

Mabuti raw ngayon ay mas aware na ang mga tao dahil meron nang mga pelikula at dokumentaryo tungkol sa mga ito. Hindi na raw uso ang ginagawang katatawanan ang kondisyon nga mga merong autism dahil mas naiintindihan na ang kondisyon ng mga taong meron nito.

Ganon din si Candy Pangilinan na meron namang anak na nasa autism spectrum din na si Quentin.

Mas maayos na raw ngayon lalo na sa mall dahil mas alam na raw ng mga guwardiya ang dapat gawin tuwing nakakakita sila ng mga batang may autism o ADHD na tumatakbo sa mall.

“Huwag silang matakot, don’t be hesitant na mag-hire or mag-employ ng people with autism dahil baka magulat kayo na mas efficient pa sila sa isang taong walang autism,” mensahe naman ni Gladys sa mga kumpanya na buksan ang puso’t isip nila sa mga taong may ganitong kondisyon.

Show comments