^

Pang Movies

Miguel, tumikim ng snow

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Miguel, tumikim ng snow
Miguel Tanfelix
STAR / File

MANILA, Philippines — Ang bongga naman ng aktor na si Miguel Tanfelix na hindi mapigilan ang excitement nang makakita ng snow for the first time.

Binahagi niya nag mga litrato at video niya sa South Korea kung saan enjoy na enjoy siya at ninanamnam ang lamig.

“Yung first time mo makaexperience ng snow,” caption niya sa kanyang post.

Tila tinikman niya pa nang umulan na ng snow at natawa na lang sa ginawa.

Marami ang naka-relate sa ginawa niya at sinabing ganito rin daw sila nang unang maka-experience ng snow.

Kasalukuyang nasa South Korea si Miguel para sa Running Man Philippines Season 2. Siya ang ipinakilalang kapalit ni Ruru Madrid kaya makikita sa kanyang mga post kung saan kasama niya ang iba pang cast.

Net25, bongga ang mga lineup!

Sana nga maging big at high rater ang mga programa na gagawin ng Brightlight Productions sa Net25. Kasi just like the management ng Net25 na mababait at approachable gaya nina Atty. Dimple at Papa Caesar Vallejos ganun din ang Brightlight na merong Pat-P Daza na very sweet at friendly.

So malapit siguro ang magiging suwerte ng Net25 dahil sure na marami silang maaakit na manood sa kanilang channel.

Maganda na rin ang lineup ng shows nila na varied din ang choices. Kaya naman all day puwede ka nang mamili ng shows na gusto mong panoorin.

Naku ha, isa pang come on nila ang ganda ng studio nila kaya naman ‘pag talent ka wish mo magtrabaho doon.

Give them more time at tiyak na bobongga ang istasyon nila.

vuukle comment

MIGUEL TANFELIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with