^

Pang Movies

Controversial young actress, sinunod ang utos ng pastor

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Sinunod daw ng isang kontrobersiyal young actress (KYA) ang payo ng kanyang pastor sa isang Christian group na kausapin at humingi ng tawad sa taong nagawan niya ng kasalanan.

So ang ginawa ni KYA, kinausap ang young actress (YA 2) na ginawan niya ng kasalanan at ipinakita ang text at pictures nila ng boyfriend ng young actress.

That time kasi na nangyari ang palitan ng text at paglabas-labas, bata pa si KYA. Ginawa lamang legal age ito ng namamahala sa kanya para hindi makasuhan ng corruption of minor ang lalaki.

Pero matagal nang tapos ang closeness ng dalawa (KYA at boyfie ni YA 2). Kaya hindi apektado ang KYA sa issue between the boyfriend at YA 2.

After all, nakahingi na siya ng tawad kay YA 2 kahit pilit siyang idinadawit sa hiwalayan, huh!

Ronaldo, nagpakita pa rin ng husay sa naiwang pelikula

Palakpakan ang mga gamer na nanood sa premiere night ng pelikulang GG (Good Game) The Movie na pinagbibidahan ng mag-inang Maricel Laxa at Donny Pangilinan.

Eh kahit nakapanood na kami ng movie tungkol sa conflict ng mag-ina, awayan ng barkada at losing then getting up and fighting again, nagustuhan namin ang peikulang dinirek ni Prime Cruz.

Wala kaming alam sa gaming pero ‘yung kuwento eh nailahad naman ng director lalo na’t magaling umarte ang mag-inang Maricel at Donny, huh! Manang-mana ang anak sa ina, huh! Maganda ang twist ng movie sa ending!

Isa sa last movie ni Ronaldo Valdez ang GG at magaling talaga siya na lumabas na lolo sa ina ni Donny.

vuukle comment

RONALDO VALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with