^

Pang Movies

Aktor, takot madamay sa problema ng showbiz couple!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nag-iingat pala ang isang sikat na aktor na hindi makaladkad sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng buhay pag-ibig ng kanyang mga kaibigan.

Kapag may problema kasi ang showbiz couple niyang kaibigan, siya ang kinakausap, napagsasabihan ng mga problema nila.

Eh may nakakakita nga sa aktor na kausap ang female star na asawa ng friend niya. Nakitaan ng aktor ang asawa na mugto ang mga mata sa kaiiyak at parang takot na takot, huh!

Eh dahil alam na kilala ang aktor bilang kaibigan, nanatiling tahimik ito sa isyu ng mag-asawa kahit alam niya na may problema ang mag-asawa, huh!

Aga, binusisi ang ginawa nila ni Julia

Hindi inakala ni Aga Muhlach na magkakaroon siya ng pagkakataon na makasama sa movie ang young actress na si Julia Barretto.

Ayon kay Aga sa mediacon ng movie niya with Julia na Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko, binususi raw nila ang kuwento at tinanggal ang mga eksenang hindi sakto sa kuwento nito.

“I feel blessed dahil hanggang ngayon, nabibigyan pa rin ako ng movie gaya nito.

“Of course, my role is ‘yung edad ko. Hindi ko kailangang magpatanda. It’s a job at excited na ang family ko na mapanood ito,” sabi ni Aga.

Mula ito sa direksyon ni Denise O’Hara at halos lahat ng kanta ay likha ng kompositor na si George Canseco.

Bakit hindi kanta ni Canseco ang ginawang title ng movie?

“’Yung songs ni Canseco ang magsisilbing bridge sa mga kabataan upang malaman kung ano ang hatid ng kanta so ibang title ang ginamit namin,” rason ni O’Hara.

Mapapanood sa sinehan sa Feb. 7 ang movie at lutang na lutang pa rin ang husay ni Aga bilang aktor.

vuukle comment

AGA MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with