^

Pang Movies

Introvert male singer, nawawalan ng boses kapag lovelife ang topic

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Takot talaga pala sa interview ang isang magaling na male singer, na may mga hit song dahil sa husay maging kompositor.

Kilalang introvert ang singer lalo na’t isa isang malayong probinsiya siya nagmula. Kaya naging markado siya sa music scene at marami pang kantang hindi nailalabas.

Kapag kinakausap kasi ng media si singer, mahina ang boses kaya kailangang makinig ka upang makuha ang gustong sabihin. Pero habang tumatagal ang interview, lalong humihina ang boses at kapag lovelife na ang napag-uusapan, nagiging choppy na siya at nagpapaalam na sa interview.

Nali-link kasi ngayon si male singer sa isang female singer na magaling ding kumanta at mga nag-hit!

Isko, ayaw nang makipag-agawan sa Eat Bulaga

Kuntento na si Isko Moreno sa pumalit na title ng noontime show nila na Tahanang Pinakamasaya!

Eh napunta na sa Tito, Vic and Joey ang title na Eat Bulaga at sumunod naman ang TAPE Inc. sa ipag-uutos ng Korte.

Sa pahayag namin kay Yorme sa kanyang Scott Media Production office ay hiningan namin siya ng reaksiyon sa latest development sa labanan ng title.

“Masaya na kami sa title namin kahit may nagsasabing mahaba. Kilala na rin ito ng tao lalo na ‘yung G Sa Gedli at Saya sa Gedli.

“Eh wala namang nabago sa numbers pagda­ting sa ratings at hindi kami iniwan ng advertisers.

“Ang gusto lang namin eh makatulong at magbigay saya. Marami pang bagong segments na aabangan sa show kaya lahat kami ay masaya!” pahayag ni Isko.

Soon, mapapanood sa Black Rider si Isko bilang Tiagong Dulas.

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with