Rayver, planong gulatin ng kasal si Julie Anne!
MANILA, Philippines — Sa media conference ng bagong drama series na Asawa ng Asawa Ko, expected na ni Rayver Cruz na itatanong sa kanya ang tungkol sa wedding plans nila ni Julie Anne San Jose.
Siyempre, walang sagot ang Kapuso actor dahil ang gusto daw niya ay ma-surprise ang nobya.
Pero wala na raw siyang ibang hahanapin pa. Si Julie Anne na raw talaga ang gusto niyang makasama forever.
“Kung itatanong n’yo po kung kailan ako magpapakasal, mas gugustuhin ko naman na ma-surprise siya. Baka mas mauna n’yo pang malaman. Kailangan caught off guard siya.
“Ako na lang ang pipili ng tamang oras para run. Saka ‘yung gusto ko ma-surprise siya nang todo.
“Ibang level na e. Sobrang secure. Kitang-kita naman kung gaano ko siya kamahal. In God’s perfect time,” napangiting pakli ni Rayver.
Kagaya ng mga sagot niya noon, napapag-usapan na raw nila ni Julie Anne, at nagkakasundo naman sila sa gusto nilang mangyari sa kanilang kasal.
Sa totoo lang, anytime ay puwede na talaga sila magpakasal, pero alam ni Rayver na marami pang gustong gawin si Julie Anne.
“Matagal na po akong naghahanda actually,” pakli ng Kapuso actor.
Pareho sila ‘yung tipong traditional na wedding, na sa simbahan gagawin, lalo na’t malaking pamilya raw silang Cruz.
Ngayong Lunes na sa GMA Prime magsisimula ang bagong drama series ni Rayver na Asawa ng Asawa Ko. Pagkatapos ito ng Love. Die. Repeat. nina Jennylyn Mercado at Xian Lim.
Ice, Liza at Divine Divas, may rampa para sa drag queens
Sa Jan. 17 na ang soft opening ng bagong drag club na tinawag nilang Rampa na matatagpuan sa Eugenio Lopez Drive, Quezon City, malapit sa ABS-CBN building.
Pag-aari ito ng magkakaibigang RS Francisco, Cecille Bravo, Louiagen Cabel, ang mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño, at ang Divine Divas na sina Brigiding, Precious Nicole Lopez, at Viñas DeLuxe.
Kuwento sa amin ni Liza, napag-isipan daw nilang magkaroon ng isang drag club na regular na napapanood ang drag queens kagaya ng Divine Divas.
Nabuo raw ito pagkatapos ng successful concert ng Divine Divas sa New Frontier Theater.
Kaya sa tulong ni RS Francisco, naitayo itong Rampa.
Nilinaw ni Liza na hindi lang ito pang-LGBTQIA+ na club kundi para sa lahat.
Karamihan daw sa supporters ng Divine Divas at iba pang drag queens ay mga babae at talagang straight na lalaki.
Kahit nga ang ilan nilang performers na nagda-drag ay babae at meron ding straight na lalaki. Gusto lang daw talaga nilang i-express ang art sa pamamagitan ng drag performance.
Ani Liza, “The Divine Divas have a fanbase of predominantly female and straight male na supporters.
“So, just by that na sa mga napupuntahan nilang clubs and everything, hindi sila naa-associate na all-LGBT sila because they’re just part of it.
“I think it’s important that we position drag as an art. Para kang nanood ng sine, o para kang nanood ng teatro, ‘di ba?
“It’s like experiencing a different kind of art, because that is drag. So, siguro with Ice and I being part of this, I think napaka-intentional din ni RS (Francisco) sa pagpili ng mga partners that will make up and own Rampa. Kasi may kanya-kanya kaming hatak na supporters and of course, ‘yung supporters ni Ice hindi naman ‘yan lahat LGBT lang, ‘di ba?
“LGBT is more like the advocacy, because that’s we are, we are part of the community. But, our audience is predominantly you know, heterosexual from the outside of the LGBT community.”
- Latest