Jessy nahagip ulit ng virus

Jessy Mendiola.
STAR/ File

Positibo ulit sa COVID-19 si Jessy Mendiola.

Kaya si Luis Manzano muna ang nag-aalaga sa kanilang anak na si Peanut.

At thankful si Jessy sa mister.

“Thank you for taking care of her papa @luckymanzano (red heart, folded hands emojis),” sabi niya sa kanyang IG story.

“It’s so hard not to be with you guys, but momma has to isolate first (folded hands emoji),” dagdag pa ni Jessy.

At sabi niya : “Covid is still very much around guys! Ingat.”

Hindi ito ang first time na nagka-COVID si Jessy.

Buntis siya nang unang magkaroon ng COVID.

Kaya naman wala si Luis sa Malacanang nang mag-oathtaking ang stepdad niyang si Ralph Recto bilang Secretary of Finance.

Show comments