Kokoy, in love na kay Angel Guardian

Kokoy de Santos at Angel Guardian.
STAR/ File

Malalim na raw ang pagkakaibigan nila Kokoy de Santos at Angel Guardian. Nabuo ang closeness nila noong first season ng Running Man Philippines.

Inamin din ni Kokoy na crush niya si Angel nung magkasama sila sa naturang competition show.

“We’re very good friends, we’re friends,” sey naman ni Angel na siyang nagwagi sa season one.

Muling magkakasama sina Kokoy at Angel sa season 2 ng Running Man PH na isu-shoot ulit sa South Korea.

Babalik din para lumaban sina Glaiza de Castro, Mikael Daez, Lexi Gonzales at Buboy Villar. Ang hindi lang babalik this season ay si Ruru Madrid dahil sa bagong season ng Black Rider.

Kim, tinalbugan na si Allen

Kahit na si Kim de Leon ang nagwaging Ultimate Male Survivor sa StarStruck season 7 noong 2020, ang runner-up na si Allen Ansay ang maraming projects at endorsements.

Hindi raw nai-insecure si Kim kundi masaya siya para kay Allen at sa success ng Team Jolly nila ni Sofia Pablo.

“Kanya-kanya po tayong suwerte at panahon. I am still waiting for mine pero happy ako para kay Allen. Ever since naman noong nasa StarStruck kami, okey kaming dalawa at naging good friends kami. Isa ako sa masaya sa success ng loveteam nila Allen at Sofia,” sey ni Kim.

Mapapanood si Kim sa teleserye na Asawa Ng Asawa Ko at ang kanilang director ay si Laurice Guillen na unang nakasama ni Kim sa teleserye na Unbreak My Heat.

Charles Melton, gumamit ng prosthetic penis

Inamin ng Riverdale star na si Charles Melton na gumamit siya ng prosthetic penis para sa sex scene niya with Natalie Portman sa pelikulang May December.

Kuwento ni Charles: “It was a very professional day. That was our last day of filming. It was so much conversations. It was just in for a few seconds, but we filmed till like 5 in the morning that day. I couldn’t use the bathroom for nine hours.”

Dahil sa husay ng performance ni Charles sa movie nanalo siya ng award mula sa 2024 New York Film Critics Circle Awards for Best Supporting Actor. Na-nomimate din siya sa nakaraang Golden Globe Awards.

Show comments