^

Pang Movies

Alfred, natapangan sa misis

Gorgy Rula - Pang-masa
Alfred, natapangan sa misis
Yasmine at Aurora

Pinagbigyan kami ni Alfed Vargas na makapanayam namin sa DZRH nung nakaraang Biyernes para kumustahin pagkatapos manganak ng asawa niyang si Yasmine Espiritu.

Matindi ang pinagdaanan ni Yasmine sa kanyang pagbubuntis na hindi talaga siya iniwan ni Alfred.

Nung Dec. 26 nga iniluwal ni Yasmine ang 4th baby nila na isang baby girl at pinangalanan nilang si Aurora Sofia.

Normal delivery ito sa ilalim ng pangangalaga ng mga doctor nito sa St. Luke’s BGC na kung saan doon na sila naka-confine sa halos isang buwan hanggang sa makapanganak ito.

Ani Alfred, “Ang nangyari sa amin, parang nakulong kami sa ‘yung ICU equivalent ng hospital para sa mga buntis. ‘Yung high-risk pregnancy unit.

“So, nandun lang kami for almost one month. Kasi kahit hindi pa term, ang dami nang nararanasan na mga contractions ni Yasmine, tapos ang dami niyang medical issues na nangyari na kailangan naming mabantayan.

“Ang layo ng hospital sa bahay namin. Kasi Novaliches kami, tapos St. Luke’s BGC, ang layo na anytime puwede siyang manganak ha? So, everyday, hindi namin alam kung mangaganak siya o hindi. So, we’re just praying na sana… nung una umabot ng 28 weeks… kasi as early as 18 o 20 weeks nagkakaroon na siya ng premature contractions at saka funneling.”

Mahaba ang paliwanag ni Alfred sa hirap ni Yasmine hanggang sa nakapanganak ito.

Nagpapasalamat sila dahil nalagpasan na nila ito at masaya silang nakauwi na ikinatuwa ng kanyang mga anak.

“Mas bumilib ako sa misis ko. Dun ko nakita na napakatapang niya at saka ‘yung tolerance niya for pain. Ang hirap ng pinagdaanan niya, na sabi ko sobra, talagang naku!

“Nandun ko for one month e, sa loob ng hospital.

“Alam nyo naman sa ICU walang bintana ru’n. Dun din ako natutulog.

“’Yung kama ko na pang-taping, nilagay ko na dun sa loob, magkatabi kami. Kalahati ng room, ‘yung bed na niya e. Tapos dun na rin ako nag-set up ng parang pang-camping ko na bed.

“Tapos, talagang binantayan ko, kasi misis ko ‘yan, saka anak ko ‘yan. Kaya, hindi ako papayag na hindi ko gawin lahat,” saad ni Alfred.

Derrick at Elle, nag-i-sleepover sa bahay ng isa’t isa

Ngayong araw na magsisimula ang bagong afternoon drama ng Makiling na muling pagsasamahan nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.

Nagkadebelopan sila sa Return To Paradise at ngayon ay mas inspired silang magtrabaho.

Mas walang pressure raw ito ngayon, dahil gamay na nila ang isa’t-isa.

Pero base sa mga sagot nila at sinasabi na rin ng co-actors nila na lagi silang magkasama, na naghihintayan daw sila sa set kung sino ang nauunang ma-pack up. Kailangan, sabay rin silang umuwi.

Akala tuloy namin, magka-live in na sila.

Hindi naman daw sabi ni Derrick at Elle. Pero minsan ay nag-i-sleepover daw sila sa kani-kanilang bahay.

Napaka-protective ng magulang ni Elle dahil mag-isa lang siyang anak, pero nakuha na raw kasi ni Derrick ang trust ng magulang ni Elle.

Dati raw kasi sabi ni Elle, hindi pa niya pinapasok si Derrick sa bahay nila. Pero ngayon kasi ay nakita raw nila ang malaking pagbabago ni Derrick, na aminado naman ang Kapuso actor na malaki ang nabago sa kanya magmula nang naging sila ni Elle.

“Sobra! Siya po talaga ang nagbago sa akin.

“Kahit ‘yung family ko napapansin ‘yung change ko. Kahit ‘yung ate ko sinasabi, ‘hindi ka na makulit ngayon. Simula ‘yun nung minahal ko siya,” seryosong pahayag ni Derrick,

Tapos na raw siya sa stage nung naging mapaglaro siya at kung sinu-sino ang dini-date niya. Ganun daw siya kaseryoso kay Elle.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with