^

Pang Movies

Empoy at Kim, buena mano sa 2024

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Empoy at Kim, buena mano sa 2024
Kim at Empoy

MANILA, Philippines — Bagong tambalan ngayong 2024 ang first team-up nina Empoy Marquez at Kim Molina sa pelikulang ZomBabe under Viva Films na palabas sa mga sinehan ngayong Jan. 8, 2024. Ito bale ang pang-buena manong pelikula ng Viva sa taong 2004.

Aminado ang magkasintahang Kim at Jerald Napoles na pareho umano silang tagahanga ni Empoy magmula nang ito’y mapanood nila hit indie movie na Kita-Kita in 2017.

Kahit magka-loveteam sa totoong buhay sina Kim at Jerald maging sa ilang pelikulang kanilang pinagsamahan, bukas pa rin ang dalawa sa kanilang solo projects with other actors.

Kris at nanay ni VG Mark, nag-bonding!

Alam mo, Salve A., sanay na tayo sa breakup and reconciliation eksena ng magkasintahang Kris Aquino at Batangas Vice Governor Mark Leviste. Kapansin-pansin na each time bumabalik ng Pilipinas si Mark ay parating nagi-declare ng breakup ang tinaguriang Queen of All Media.

Mark and his family spent the Christmas holidays in the US with Kris and with two sons na sina Joshua and Bimby. Doon na rin nag-celebrate ng kanyang ika-46th birthday ang politician na nataon sa araw ng Pasko ang kanyang kaarawan.

Bago mag-Christmas ay dumalaw kay Kris ang mom ni Mark na si Gng. Patsie Leviste maging ang panganay na anak ng politician na si Ronin na vice mayor ng Lian, Batangas at girlfriend nitong si Councilor Andrea Macaraig of Batangas City. Maganda ang relasyon ng pamilya ni Mark kay Kris at sa mga anak nitong sina Joshua at Bimby.

Pabalik ng Pilipinas si Mark ngayong Jan. 3 dahil sa kanyang tungkulin bilang bise gobernador ng Batangas kaya hindi kami magtataka kung magdi-declare na naman ng breakup ang dating First Daughter and former First Sister.

What else is new?

vuukle comment

EMPOY MARQUEZ

KIM MOLINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with