^

Pang Movies

Maine, tinantanan na ng AlDub fans

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Maine, tinantanan na ng AlDub fans
Arjo Atayde at Maine Mendoza

Buti naman at tinigilan na si Maine Mendoza ng ibang fans na ipinagpipilitan na nagkaroon sila ng anak ni Alden Richards.

Ang saya-saya na ngayon ng buhay ni Maine sa piling si Arjo Atayde kaya bongga na hindi na siya ‘ginugulo’ ng ibang fans na hindi ko rin maintindihan kung ba’t pinipilit ang paniwalang nagkaanak sila bilang magka-loveteam.

Hahaha.

Saka I’m sure abala si Maine sa kanyang pangongolekta ng mga bag na talaga namang ang gaganda kaya wala siyang oras sa kanegahan.

Bongga. Tuloy mo ‘yan Maine. Dedmahin mo sila.

First Christmas niya ito bilang isang misis na.

Joey, matalas pa ang memorya

Bongga ang memory ni Joey de Leon. Hindi katulad ko na parang marami na akong nakakalimutan dahil sa mga gamot na iniinom ko.

Malinaw sa isip niya kung paano binuo ang pamagat na Eat Bulaga.

“Started painting “EB-LUTION”. Hindi pa tapos yan pero pirmado na, mahirap na baka may umangkin pa! Complete with two uvula or tilao and two tongues. Ang first meaning ng EAT noon ay Eating And Talking. Yung arm with a cup of coffee belongs to Jess Espiritu. Yung UNANG SIGAW ng EAT BULAGA! syempre AKO!

“Umalis na si Jess Espiritu at ako na ang umiinom na kape na binigay nya nung maisip ko ang titulong Eat Bulaga sa kusina ni Tito, that’s around 3:00 pm sometime in 1979! Merry Christmas to all!”

Hayaan na nating korte ang humusga sa usaping ito.

Basta, ang galing pa ng memorya ni Joey.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with