^

Pang Movies

Tutok sa misis, Alfred hindi na nakakalabas ng hospital

Gorgy Rula - Pang-masa
Tutok sa misis, Alfred hindi na nakakalabas ng hospital
Alfred at Yasmine

MANILA, Philippines — As of presstime ay nakabantay pa rin si Alfred Vargas sa asawa niyang si Yasmine Espiritu na anytime ay manganganak na.

Halos isang buwan na pala sa hospital si Yasmine at hindi ito iniiwan ni Alfred.

Kaya nang magpa-press preview sila ng pelikulang Pieta nung nakaraang Biyernes, hindi nakarating si Alfred.

Saad ni direk Adolf Alix, “Wala po rito si Alfred dahil anytime po, ‘yung kanyang wife, ay manganganak na. Tapos one month po silang nasa hospital dahil delicate po ‘yung pregnancy ng kanyang wife, kaya po…”

Ginanap ang preview sa Sine Pop sa Cubao, Quezon City at meron pa itong isa pang screening na kung saan sold-out na pala ang tickets nu’n na binili ng fans. May iba pa silang screening sa Cinema 76 na sold out na rin.

Sa main cast ng pelikula, si direk Gina Alajar lang ang nakadalo.

Dumating din sina Tommy Alejandrino, Ellora Espano at Angeli Bayani. Masama rin daw ang pakiramdam ni Ate Guy (Nora Aunor) kaya hindi rin nakarating sa naturang special screening.

“Si Ate Guy naman po ay nagpapagaling. Ahhmm lalo po ngayon, kasi medyo delikado dahil nga sa flu. Pandemic, medyo madami pong nagkaka-flu.

“So iniingatan lang po ng doktor niya na huwag muna siyang lumabas dahil by January po, maggi-guest po siya dun sa show na ginagawa namin sa GMA, ‘yung Atty. Lilet Matias,” sabi pa ni direk Adolf.

Ang isa sa nagulat kami sa pelikula ay napakanta ni direk Adolf si Ate Guy.

Medyo hirap na kumanta ang Superstar, pero talagang ginawa niya dahil kailangan sa pelikula.

Nakatakda na raw ang showing nito sa 2024. Pero wala pang date.

Baka sa streaming service rin daw, at bale ito ang first movie ni Ate Guy pagkatapos niyang hiranging National Artist for Film.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with