^

Pang Movies

Alden at Coco, magsasama sa MMFF 2024

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Alden at Coco, magsasama sa MMFF 2024
Coco Martin

MANILA, Philippines — Magtatambal sa pelikula sina Alden Richards at Anne Curtis next year.

Ito ang isa sa mga aabangan sa actor sa 2024.

Ganundin ang movie with Coco Martin at ang mga ididirek niyang pelikula.

“Anne Curtis and me, medyo drama na futuristic po ‘yung concept. Parang Direk Irene din po ito, Irene Villamor. Parang next year po, tatapusin lang po ni Anne yung film niya,” sabi ni Alden kahapon sa kanyang Thanksgiving Christmas Party for the press.

Partnership ito ng GMA Public Affairs and Viva Films.

“Yes po, nung nagkausap po kasi kami ni Anne, alam na rin niya, eh. So ayun po ‘yung una-una lang, tinatapos lang po ‘yung mga project. Tapos ‘yun po, directing also. ‘Yung first film po na natapos ko, that’s under Viva naman po. Tapos na po siya. Next year po siya, for streaming po siya,” ang tinutukoy niya ay movie na kanyang dinirek starring Heaven Peralejo.

May final title na? “‘Yun nga, hindi ko pa po kasi masabi, ang lumalabas po is Out of Order but right now, it’s just the working title for the film pero we’ll see ano pong ma-advise ni Boss Vic (del Rosario) dyan.”

‘Yung Alden-Coco (Martin) movie, maisisingit ba ‘yun?

“Yes po. Baka po next year. All of a sudden talaga ‘yung connection ko with Julia (Montes – Five Breakups and A Romance) and Coco, parang bigla lang siyang dumating. Nagulat ako sinasabi ni Juls na..., sabi ko “Juls nagugulat ako kay Boss Coco kasi parang ang tagal na niya ‘kong kilala habang nag-uusap kami. As in, talagang ‘yung mga payo na binibigay niya sa akin, of course when it comes to producing, directing and acting at the same time, very guided since pinagdaanan na niya tapos parang na-bring up to the table lang po na sabi ko “Boss Coco sana...” kasi gustung-gustong niya po na magkaroon kami ng project together.

“Sabi ko “Sige Boss, ano na lang natin ‘yan, i-MMFF na lang natin ‘yan next year,” game daw siya,” sabi pa ng actor na hindi masyadong dinedetalye kung ano ‘yung ginawang pangbubudol sa kanya ng diumano’y umabot ng P100 million.

“Parang right now since parang before, maiintindihan naman din po ako siguro nung nakakarami dito na syempre as you grow older, you learn things then you develop certain, specific skills and discernments na alam mo na kung ano yung mas angkop sa iyo. Parang right now, I’m at that point of my career, na nandun na ako sa self preservation stage so it’s not really full control, eh, but more of collaboration na how can we make it better, paano natin magagawa nang maayos ‘yung story, na win-win pa rin,” paliwanag pa ng actor sa mga ginagawa niyang pagbabago sa kanyang career.

As an artist anong feeling mo?

“It’s liberating, it’s empowering. I hope na marami ring actors and artists na ma-encourage sa ganito na maging involved sila kesa... ako kasi I’ll have to admit at first, nung pumasok ako syempre dahil lumaki po ako sa hirap, andun ako sa pera ng showbiz. Pero as I go along, on the third, fourth, fifth year, dun ko na natutunan i-value na, tapos na-in love na ako nang todo. And right now nasa stage na rin ako ng parang pagbalik sa industriya. Parang pong itong party natin, this is my way of giving thanks to people who have helped me in my career naman,” sabi pa ng actor na umaming nagkaroon ng depression for three months.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with