Daniel, wala nang pag-asa kay Kathryn?!

Daniel Padilla
STAR/ File

Moving forward na si Kathryn Bernardo.

Mukhang sagot niya ito sa edited caption ni Daniel Padilla na “Ikaw at ako.”

Aniya sa isang post “Appreciation post for the little things that have been making me smile the past few weeks...

“No looking back, only moving forward.”

Dami namang nag-agree rito.

Maraming fans ang hopia na sa huli ay sila rin ng actor ang magkakatuluyan pero mukhang iba ang direction at mga plano ng actress.

Ang hinihintay mag-post ay si Andrea Brillantes na tahimik ang paligid.

Three weeks pa ang last post nito at parang pinag-aaralan daw kung ano ang susunod na move dahil malaki talaga ang galit ng fans dahil diumano’y siya talaga ang dahilan ng mga nagaganap na kaguluhan.

Show comments