^

Pang Movies

Jericho, nagka-interes kay Kathryn

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jericho, nagka-interes kay Kathryn
Jericho Rosales

Viral agad ang Instagram post ni Jericho Rosales kung saan ay nagpakita siya ng interes na makatrabaho si Kathryn Bernardo.

Ibinahagi ni Echo ang post ng Mega Entertainment kung saan ay makikita ang collage ng mga larawan nila nina Enrique Gil, Donny Pangilinan, James Reid and Kathryn Bernardo.

Sa caption ay sinabi niyang mas gusto niyang makapareha si Kathryn kaysa sa tatlong aktor.

“While I would love to be paired with these gorgeous leading men, I think it would make more sense to work with Kath at this moment,”  caption ni Jericho.

Nagpakita agad ng positive reactions ang netizens nila at ang daming nagsabi na bagay daw sina Kathryn at Jericho.

“Yes pleaseeeeee!!! Super bagay!!! Manunuod ako for sure!!!” ang komento ng isang netizen.

“Bagay! Sana yung magandang story line! Love story na drama. I’m seated for this!” sey naman ng isa pa.

“Sana magkatotoo na ‘to...2019 pa yan sinabi ni Echo na gusto nya makawork si Kath kaso naunahan pa raw sya ni Alden,” sabi naman ng isa pang tagahanga.

“Consistent si Echo gusto niya talaga maka work si Kathryn noh? Nakaka excite sana matuloy na!” another netizen said.

Lolit, may ibinuking kay LT

Ibinuking ng talent manager/entertainment columnist Lolit Solis na ready na raw magmahal ulit si Lorna Tolentino after 15 years of pagiging byuda.

Matatandaang yumao ang mister niyang si Rudy Fernandez noong 2008 and since then ay hindi na muling nag-asawa si LT. Ni wala nga siyang inaanunsyong boyfriend sa publiko ever since.

Pero ngayon, ayon sa manager niyang si Nay Lolit, gusto na raw mag-asawang muli ni LT.

“Naghahanap siya ng dyowa na mag-aalaga sa kanya, sinabi niya. Oo, naghahanap siya ng lalaking mag-aalaga sa kanya,” sey ni Nay Lolit.

Mayroon ba siyang qualities na hinahanap sa isang lalaki?

“Basta pwede siyang buhayin, type niya ‘yun,” aniya.

Kaya hindi raw talaga true ang tsika na tomboy ang aktres.

“Lalaki ang gusto niya, hindi babae!” mariin pang sey ni Nay Lolit.

 

vuukle comment

JERICHO ROSALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with