^

Pang Movies

Vlogger / Entrepreneur na umamin kay Toni na P13 million ang kita sa isang araw, pinagpapaliwanag sa BIR

Salve V. Asis - Pang-masa
Vlogger / Entrepreneur na umamin kay Toni na P13 million ang kita sa isang araw, pinagpapaliwanag sa BIR
Rosmar Tan-Pamulaklakin

MANILA, Philippines — Nag-trending ang vlogger / entrepreneur na si Rosmar Tan-Pamulaklakin matapos ang guesting niya kay Toni Gonzaga sa YouTube show nito na Toni Talks days ago.

Napa-sana all nga ang mga nakapanood nito dahil inamin nitong umaabot sa P13 million ang kinikita niya a day tho kasama raw dun ang puhunan -– sa nasabing halaga.

Kasi ‘yung P5 million daw, noong panahong mahina lang ang negosyo niya at hindi pa ganun kalakas ang kanyang content.

Ipinagmamalaki din ng social media personality ang pagkakaroon ng zero loan at pagkuha ng kanyang mga sports car at 20 property na walang utang, as in cash niya nabili.

“Bale lahat po ng property na binili po naming mag-asawa tsaka po mga sasakyan, cash po lahat ‘yun. Wala po akong utang. 

 “Kung hindi ko po kaya bilhin, hindi ko po bibilhin,” pahabol pa niya.

Dahil dyan kinuyog siya at pinasasagot kung nagbabayad ba siya ng tamang buwis.

Well, siguro naman. Hindi naman siguro siya lalantad na ganun kalaki ang kita niya kung ‘di nagbabayad ng tamang buwis.

Peanut, magaling na sa camera

Parang malaki ang kikitain sa endorsement ng daughter nina Luis Manzano and Jessy Mendiola na si Peanut.

Ang galing na kasi agad nitong mag-emote ‘pag may camera.

Sa kanyang pictorial – 11-month old – dami na agad niyang kayang gawin. “The many faces of our little Peanut. Smile, close open , clap , where is your tongue? Ay sus/pacute/beautiful eyes . Haaaaay we love you anak! One month to go, one year old ka na @isabellarosemanzano ! @jessymendiola.”

Andres, papasok na rin sa E.A.T.?!

“We’ll see. Only time will tell,” sagot ni Andres Muhlach sa tanong kung mapapanood na rin ba siya sa E.A.T.

May hint kasing magkakasama na sila ng kakambal niyang si Atasha sa programa ng TVJ sa TV5.

Anyway, ni-represent ni Andres ang daddy niyang si Aga Muhlach sa ginanap na The 6th EDDYS last Sunday kung saan kasama sa tumanggap ng Icon Award si Aga na kasalukuyang nasa abroad kung saan tinilian siya ng audience.

Kakabugin ni Andres ang mga matinee idol ngayon. Gwapo ito, mabait, at ang galing ng PR.

Nang tanungin naman siya kung sino ang crush niya sa showbiz, wala raw siyang maisip as of now.

Hindi pa nagkaka-girlfriend si Andres kahit 21 years old na ito.

Nag-aral siya sa Spain for three years at may natitira pa siyang one year sa school pero hindi na siya babalik sa Spain. Online na lang niya ito tatapusin.

Iza, may naitabing ‘itlog’

Ayaw pang i-discuss ni Iza Calzado, pero parang may gagawin na silang endorsement ng baby niyang Deia. “I don’t want to discuss, but there... we’ll see. I must also say that the times have changed, right? There’s digital; there’s ganyan. So I held down on some stuff, but we’ll see if there’s something I’m considering,” say niya sa isang interview.

Kasabay nito ay sinagot din niya kung may mga naka-freeze pa siyang eggs. “Ito po itlog. Isa lang, actually. Isa lang siya. Hindi, isa lang talaga dati ‘yung nakuha naming embryo so nandun lang siya, stand by for... you know...”

Sa ngayon gusto na lang niyang ipagdasal kung matutupad ang plano nilang magkaroon pa ulit na baby ng mister niyang si Ben Wintle.

“It’s so hard to discuss very personal things especially when it is honestly beyond your control because even if its science, it is still, in my opinion, the grace of God that work because if it is for you, it is for you. If it is not for you, hindi. So parang ayoko lang ng added layer if you don’t mind na parang to discuss pa. So please pray for us and with us. ‘Yun na lang po ang hiling ko,” dagdag ng actress na pagdating talaga sa pagho-host, perfect pairing kumbaga sila ni Piolo Pascual sa ginanap na The 6th EDDYS last Sunday night.

GMA, Mamimigay ng papremyo

Pwedeng manalo pa namili sa Kapuso Bigay Premyo Panalo 8!

Sa unang pagkakataon, may chance manalo ng P1,000,000 tax-free sa Kapuso Bigay Premyo Panalo ng GMA Network!

Simple lang daw ang kailangan gawin. Bumili ng alin man sa mga participating products: Aji-no-moto Umami Seasoning at Bear Brand Fortified Powdered Milk Drink. ‘Wag kalimutang isama ang proof-of-purchase at ang kumpletong contact details na parehong ilalagay sa isang sobre o plain white envelope.

Sa mismong sobre o white envelope, isulat ang “Kapuso Bigay Premyo Panalo,” ang brand ng nakalakip na proof-of-purchase at area kung saan nakatira (NCR, Luzon, Visayas, o Mindanao). Pagkatapos, ihulog lamang ang entries sa designated drop boxes ng mga piling branch ng Mercury Drug, sa GMA Network Annex Building sa Quezon City, at sa GMA Regional TV at GMA Radio stations sa buong bansa.

Sali na para mapabilang sa mga daily winners ng P700, weekly winners ng P7,000 at P100,000 at sa grand draw sa Feb. 24, 2024, P1,000,000 tax-free!

Bongga.  

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with