Gladys, nagka-alopecia sa stress!
Nagkaroon pala ng alopecia ang aktres na si Gladys Reyes nang mamatay ang tatay niyang si Sonyer Reyes noong 2021.
Hindi raw naging madali sa kanilang pamilya ang pagpanaw ng kanilang ama.
Kinuwestyon daw nila ang mga sarili kung saan sila nagkamali sa pag-aalaga rito.
Kaya naman payo niya sa lahat ay i-spoil ang kanilang mga magulang hangga’t kaya nila dahil napaka-unpredictable ng buhay at hindi natin alam kung ano ang mga susunod na mangyayari.
Nasa taping pala siya ng sitcom na Pepito Manaloto nang iburol ang tatay niya.
Inakala pa niyang tanggap niya na ang pagkawala nito pero nag-sink in lamang daw ito sa kanya nang mailibing na ito.
Doon niya nalaman na kailangan talagang magluksa at hindi maaaring lampasan ang stage na iyon. Inabala niya ang sarili para hindi masyadong masakit sa kanyang pakiramdam pero hindi niya pa rin ito natakasan.
Nang maligo raw siya habang nasa isang staycation, umiyak siya at nang magsuklay siya ay nadiskubre niya ang malaking bald spot sa ulo niya at doon niya na nakumpirma na meron siyang alopecia.
Kung inakala niyang okay siya ay nag-manifest pala sa kanyang katawan ang stress na nararamdaman niya kaya payo niya, “Kaya ‘yun, sa mga nanonood, okay po ‘yan, iiyak n’yo po, masakit ‘yan, oo. Pero hindi n’yo pwedeng lampasan ‘yan. Kailangan talaga ipagluksa n’yo ‘yan na, ‘yung pakiramdam na ‘yan, ilabas n’yo.”
- Latest