^

Pang Movies

Kyline, toxic girlfriend?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kyline, toxic girlfriend?!
Kyline

Tila nabuhay ang isyu kina Cassy Legaspi at Kyline Alcantara dahil sa isyung breakup nina Kyline at kakambal ni Cassy na si Mavy Legaspi. Matatandaang naging malaking isyu ang pag-unfollow ni Cassy sa kanya sa Instagram at matatandaan ding hindi nag-react si Mavy. Parang wala siyang kinampihan between his girlfriend and twin.

Ngayon, grabe ang bardagulan ng fans nina Kyline at Cassy, nagkakapersonalan na at may nabanggit pang nagparetoke raw si Kyline na parang hindi naman.

May bago ngang tawag kay Kyline ang fans ng Legaspi twins na nauna pang mag-react ang fans ni Kyline. Hindi naniniwala ang fans nito na toxic girlfriend siya. Hintayin na lang daw kung sino ang tunay na toxic sa kanila.

Sagot naman ng maka-Kyline, kambal na chubby si Cassy, pabebe, pakialamera, kontrabidang kambal, iba ang ugali na magugulat ka kung paano nila nalaman eh hindi naman nila madalas makasama at napapanood lang sa TV at pelikula ito.

Hahaba pa ang bardagulan ng fans ni Kyline at fans ng Legaspi twins at nadadamay na nga sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel. May mga cryptic post si Carmina at nitong huli, nag-comment ng “Deadma to the world” sa patuloy na pamba-bash sa kambal.

Mag-amang Malia at Lee, pinayagang magkita ni Pokwang!

Nagkita pala ang mag-amang Lee O’ Brian at Malia O’Brian at nang i-post ni Lee ang photos nila ng anak, marami ang natuwa. Sabi ni Lee, “Had a blast this weekend with you, my dear @malia_obrian. Love you sweetie.”

Nagpasalamat si Lee sa positive comments sa pagkikita ng mag-ama gaya ng masaya sila para kay Lee, happy sila to see them together.

May mga nagduda rin sa pakikipagkita ni Lee kay Malia at diniretso siya at sinabihan ng “Hopefully u don’t use her for the video to make money. Be a father without string attach.” May comment na obvious na galit kay Lee dahil sa sinabing “A trash partner and I hope he is a good father... at least.”

In fairness kay Lee, hindi na sinasagot ang mga galit sa kanya at doon siya focus sa positive ang feedback sa pagkikita nila ng anak.

Sharon, nagpaliwanag sa ‘di pagsipot sa event ni KC

Kabilang si Sharon Cuneta sa maraming nanood sa Regine Rocks concert ni Regine Velasquez sa SM MOA Arena at makikita siyang nakiki-sing along kay Regine. May hawak ding light stick si Sharon na kanyang iwinawagayway sabay ng ibang nanood sa concert.

Kahilera ni Sharon sa upuan ang sister ni Regine na naaliw sa kanya dahil naki-sing along nga. Ganundin si Ogie Alcasid at iba pang celebrities na nanood ng concert.

Matatandaan na sa Dear Heart concert nina Sharon at Gabby Concepcion, kabilang sa guests sina Regine at Ogie.

Anyway, sinagot ni Sharon ang tanong ng isang fan kung bakit hindi siya um-attend sa premiere night ng movie ni KC Concepcion na Asian Persuasion at si Gabby lang ang dumating. “Kasabay ng awarding ko kasi hahabol nga sana ako ‘di na umabot,” paliwanag niya.

vuukle comment

KYLINE ALCANTARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with