^

Pang Movies

Matteo, gustong anakan ng sampu si Sarah

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Matteo, gustong anakan ng sampu si Sarah
Matteo Guidicelli

Gustong-gusto na talagang magkaroon ng anak ni Matteo Guidicelli and praying siya na sana soon ay mangyari na ito. “Sana, sana. In God’s time,” sey ni Matteo sa panayam sa kanya ni Isko Moreno for Iskovery Night vlog ni Yorme.

Natanong din kung ilang kids ba ang ang balak nila ng misis na si Sarah Geronimo at natatawang sagot ni Matteo, “gusto ko, sampu. Hindi, biro lang.”

Dagdag pa niya, “hindi, kahit 1, 2, 3 4. . . 5, 6, 7, 8. . .” sabay-tawa.

When asked kung ano pa ang gusto nilang ma-achieve ni Sarah in the coming years, sey ng aktor ay marami pa pero sana nga raw ay mabiyayaan na sila ng anak.  “We have our dreams and goals that we want to achieve. Baby, sana. Babies. I think if the Lord blesses us with a life, with a baby, it will be more than enough, it’ll be the bigesst gift, kung baga,” sabi ng mister ni Sarah G.

Hiling pa ni Matteo kay Isko, “pag-pray mo kami boss, ha?”

James, nagpasalamat sa loveteam nila ni Nadine

Ang ganda ng opinyon at ‘take’ ni James Reid sa loveteam na as we all know ay pinagdaanan din niya with her ex-girlfriend, Nadine Lustre.

Ayon kay James sa panayam sa Korina Interviews ni Korina Sanchez sa Net25, ang pagkakaroon daw ng ka-loveteam ay isa sa naging pinaka-instrumento para marating ang kinalalagyan ngayon. “Being in a loveteam, I think, was the most instrumental thing to who I am today. It really made me who I am now, I discovered so much about myself, being part of a love team and all the projects that I did,” sey ni James.

Aniya pa, napakaswerte raw niya na naging parte siya ng isang loveteam. “It’s a phenomenon in the Philippines that doesn’t exist anywhere else. So, I’m so lucky to be part of a love team.”

Pero siyempre, aniya, hindi naman daw forever ang loveteam at darating din ang time na kailangan na ring mag-solo tulad ng nangyari sa JaDine. “It was time for me to discover more about myself, the next phase of my life. And I felt that was music. You know, I wanted to know sino si James Reid kapag walang loveteam? You know I’m always part of the duo but who am I when I’m on my own? And I wanted to know. I was so curious, you know I wanted to find out more. So, yeah,” he said.

Michelle, inaming nagbiyahe sa El Salvador ng ina kahit injured

Sobrang na-touch si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa kanyang inang si Melanie Marquez na kahit masama ang pakiramdam ay bumiyahe ng El Salvador para suportahan siya at personal na saksihan ang kanyang laban sa Miss Universe 2023. “Sinabi ko po talaga, mawala na ang lahat ng live na manonood, huwag lang ‘yung nanay ko. Siya lang po talaga ang lucky charm ko,” ani Michelle sa guesting niya sa Unang Hirit kung saan ay binigyan siya ng programa ng isang bonggang warm welcome.

Kwento ni Michelle, nang lumipad daw pa-El Salvador ang ina ay may back injury raw ito.  “She wasn’t feeling well nun’g lumipad siya as in nagti-trigger ‘yung back injury niya,” aniya.

Good thing ay inalagaan naman daw ito ng mga attendant sa eroplano habang nagbibiyahe kaya super thankful si Michelle sa airline company na sinakyan ng ina.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with