^

Pang Movies

Second baby nina Pauleen at Vic, kamukha rin ni Tali

Gorgy Rula - Pang-masa
Second baby nina Pauleen at Vic, kamukha rin ni Tali
Pauleen, Tali at Vic

MANILA, Philippines — Excited na si Pauleen Luna na kinuwento sa amin ang huling pregnancy checkup niya na kung saan meron na siyang 4D sonogram.

Dito nakita ang mukha ng baby na nasa sinapupunan niya.
“Alam mo, kuya, kamukha niya si Tali. Sa tingin ko parang kambal lang sila,” parang kinikilig na pahayag ni Pauleen.

Nasa 29th week na ang ipinagbubuntis ni Pauleen, pero tingin daw niya mapapaaga ang panganganak niya. Kagaya rin ng kay Tali noon.

Ang tantiya raw nila baka January o February next year niya iluluwal ang pangalawa nilang baby.

Ayaw lang sabihin sa akin ni Pauleen kung ano ang napili nilang name sa baby. Saka na lang daw ‘pag nailuwal na niya si Baby. Basta pareho raw ng initials ng pangalan ni Tali.

Ang laki ng ipinagbago ni Tali ngayong magiging ate na siya.
Parang may responsibility na ito bilang ate ng magiging baby sister niya.

Ang wish ni Pauleen na magiging kasingbait din ni Tali ang kanilang magiging bunso.

Sobrang proud si Pauleen sa kanyang anak dahil pawang papuri raw ang nakakarating na feedback sa kanya.

Nasa Kindergarten na ang bagets, at ang saya ni Pauleen tuwing may nagsasabi sa kanya kung gaano raw kagalang at kabait si Tali sa school.

“Ako grabe, I take so much pride in how good and kind Tali is.
“’Pag may lumalapit sa akin sinasabi na ang galang-galang na bata, daig ko pa nanalo sa lotto,” text sa akin ni Pauleen.

Samantala, kinumpirma sa akin na Pauleen ang tungkol sa bagong sitcom na gagawin ni Vic Sotto sa TV5.

Matagal na raw na-propose ‘yun at ngayon lang na-finalize.

Pero hindi ibig sabihing tatapusin na ang Open 24/7 nito sa GMA 7.
Nakausap namin si Maja Salvador sa nakaraang birthday party ni Ms. Rhea Tan, at sinabi niyang tuluy-tuloy pa rin daw ang taping nila sa sitcom nila ni Bossing Vic.

“Sa Tuesday, may taping kami. Okay naman. Wala namang sinasabi sa amin,” pakli ni Maja.

Sa nakaraang premiere night ng Shake, Rattle and Roll Extreme, sandaling nakatsikahan namin doon ang magka-loveteam na Sofia Pablo at Allen Ansay.

Kinumusta namin sa kanila ang Open 24/7 na natsitsismis na tsutsugihin na raw ito, dahil magkakaroon na rin siya ng sitcom sa TV5.

“Tuluy-tuloy po ang taping,” bulalas ni Sofia.

“Actually, nakapag-taping na po kami ng hanggang January next year.

“Tuluy-tuloy po siya.

“May mga nakapagtanong na nga sa amin, may nakita raw po na writeups na ganun po,” sabi naman ni Allen.

Wala naman daw silang isyung napapag-usapan kapag nagti-taping. Basta, kagaya pa rin daw ng dati na normal lang daw silang nagtatrabaho.

“Actually, every taping po napagkukuwentuhan namin ‘yung mga upcoming na mga episodes na ganito ang mang­yayari. So, tuluy-tuloy po talaga siya,” sabi uli ni Sofia.

Nasa third season na raw ang Open 24/7 sabi ni Pauleen. Kung sakaling magkakaroon man daw ng sitcom si Bossing sa TV5, natitiyak naman daw na hindi nito makakatapat ang kanilang Open 24/7 sa GMA 7.

vuukle comment

PAULEEN LUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with