^

Pang Movies

Andrea, hinahanapan ng resibo kay Daniel!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa
Andrea, hinahanapan ng resibo kay Daniel!
Andrea
STAR/ File

Worried na ang KathNiel sa takbo ng mga pangyayari.

At sa rami nang usapan, mukhang si Andrea Brillantes ang ayaw nilang tantanan kahit na nga wala namang concrete na evidence na dawit siya sa hiwalayan.

Ang panget ng nabubuong imahe ni Andrea na mahilig dumalaw sa condo ng mga nagiging diumano’y karelasyon niya.

Nauna na itong nabuko sa kanila ni Ricci Rivero, at ngayon ay sinasabing may ganung pangyayari rin sa kanila ni Daniel Padilla na ewan ko naman kung totoo.

Pero ang bottomline, kung totoo ‘yan, maglabas ng resibo para paniwalaan.

Mahirap ang mga haka-haka lang.

Ate Vi, kinilala sa Reader’s Digest Asia

Si Ate Vi (Vilma Santos), kahit na sabihin mong kilalang-kilala mo na darating ang isang araw na masasabi mong hindi ko alam iyon ah. Kasi sa rami ng awards at kung anu-ano pang parangal na kanyang natatanggap lalo na noong panahong siya ay isa pang public servant. Iyon din kasi ang panahong nag-lay low si Ate Vi sa kanyang publisidad after all isa nga naman siyang government executive noon at hindi na halos maituring na artista.

Binabagayan lang niya ang kanyang katayuan sa buhay. Noon lang isang araw, nakita namin ang isang post ng Philippine Air Force, dahil siya nga ay binigyan ng rank na Lt. Colonel ng hukbong himpapawid noon pa namang governor siya ng Batangas iyon, pero sa kanilang pagbibigay sa kanya ng honorary rank na iyon ay binanggit ang mga karangalang natanggap niya, at sa totoo lang, hindi namin alam na si Ate Vi pala ay number 17 sa listahan ng mga pinakapinagkakatiwalaang mga Pilipino, batay sa pananaliksik na ginawa ng Reader’s Digest Asia.

Reader’s Digest iyan ha, hindi kung anu-anong hotoy-hotoy na blog lamang ang nagsasabi niyan.

Male contest winner, kumakalat pa rin ang matagal nang ginawang kahalayan!

Naaawa kami sa isang male contest winner sa isang noontime show noong araw. Mabait naman daw ang batang iyon at may hitsura naman talaga. Aywan nga lang ba namin kung bakit gumawa siya ng napakaraming video scandals ng sarili niya.

Malamang katuwaan lang iyon, o mayroon siyang napagbigyan na ipinasa naman sa iba.

Matagal na iyon eh, pero hanggang noong isang araw lumabas pa sa isang social media platform at kung anu-ano pa ang sinasabi ng bashers sa comments nila.

vuukle comment

ANDREA

DANIEL

KATHNIEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with