Winwyn, susubok sa Miss U!

Winwyn

Posible palang bumalik sa pagsali sa beauty pageant si Winwyn Marquez.

Matapos niyang masungkit ang korona ng Reina Hispanoamerica noong 2017 ay pinagsasabay niya na ngayon ang pagiging ina sa daughter niyang si Luna at ang showbiz.

Wala sa plano niya ang pagbabalik sa mundo ng pageantry pero nang malaman niya ang tungkol sa pagbabago sa rules nito at wala nang age limit ang mga kandidata na inanunsyo ng Miss Universe at Miss Universe Philippines organizations ay nagbago ang kanyang plano.

Ang mas lalong nagpasabik sa kanya ay nang sumali ang mga mommy na gaya niya.

Bahagi niya, “Ako excited ako, kasi ‘di ba ‘yung Miss Universe Philippines may moms na rin na sumali. So it was really exciting to watch for me.”

Dagdag niya, “And siyempre pro ako doon kasi mommy ako, may times din na sana ‘yung dream na ‘yun hindi pa nasha-shatter puwede akong sumali, which is nice.”

Kaya naman nang tanungin siya kung muli siyang sasali sa pageant ay nag-yes siya pero hindi pa raw sa ngayon.

“I want to, maybe in the future, not now siguro, ‘pag malaki-laki na ‘yung anak ko, ‘di ba? Well, I’m saying that now, I don’t know a few years from now,” saad niya.

Siguradong sabik ang mga tagahanga niyang makita ulit siyang rumarampa. At baka iyon na kung sakali ang right time na mapasakanya ang korona ng Miss U.

Show comments