^

Pang Movies

Bea, visa-free na sa Europe!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Bea, visa-free na sa Europe!
Bea Alonzo at Dominic Roque

Official resident na ng bansang Spain ang Love Before Sunrise star na si Bea Alonzo.

Kaya lilipad for Spain si Bea kasama ang fiance na si Dominic Roque for a 20-day rendezvous.

Kasama sa kanilang 20-day vacation ay ang pagbisita nila sa Italy kunsaan pupunta sila sa Milan, Lake Como, Florence, at iba pang magagandang lugar.

Ang pagpunta rin sa Spain ni Bea ay ang unang pagkakataon na titira siya sa binili niyang apartment sa Madrid noong 2022.

Eligible na ang aktres for a Spanish Golden Visa and obtained residency status through Spain’s “Residency by Investment” program.

“Sana magawa ko ang isang house tour, mukhang mabubudol natin si Dom to shoot me,” sey pa ni Bea sa kanyang vlog.

As a resident of Spain, makakabiyahe si Bea na visa-free sa ibang bansa within the Schengen zone, tulad ng Austria, Italy, Malta, Poland, Norway, Sweden, Switzerland, at iba pa.

Matt, sa online business muna

Kapag hindi busy sa showbiz, sa kusina ng kanilang bahay abala ang Voltes V: Legacy star na si Matt Lozano para tumulong sa online business ng kanyang pamilya na packed meals na malaki ang kinikita kada buwan.

Sa programang Pera Paraan, ipinakilala ni Matt na ang kanyang ama na si Marlon ang cook sa kanilang negosyong Lozano’s Kitchen, at ang kanyang ina naman na si Elaine ang namamahala.

Karamihan daw ng recipes nila ay gawa ng tatay at lola ni Matt.

Ala-una pa lang ng madaling araw, nagsisimula na ang pagluluto para sa order ng almusal. At pagsapit ng 6 a.m., sisimulan naman ihanda ang mga order na pananghalian. Ang order na para sa hapunan, dapat matapos ang pagluluto ng 2 p.m. para maging maayos umano ang sistema.

Gumawa rin sila ng Facebook page at mga social media account na malaking tulong sa marketing ng kanilang negosyo.

“Alam n’yo na kung bakit ganito kalaki si Big Bert, masasarap ang pagkain sa Lozano’s Kitchen,” biro ni Matt na ang paboritong lutuin at kainin ay kare-kare.

Fil-American tv and film comedian Nico Santos, kinasal na sa transman

Kinasal na ang Fil-American TV and film comedian na si Nico Santos sa kanyang fiance na Survivor contestant at transman na si Zeke Smith.

Naganap ang kanilang wedding sa Parker Hotel in Palm Springs, California. Na-engage sila noong 2022 sa GLAAD Media Awards at the Beverly Hills Hotel.

Ilan sa mga dumalo sa wedding ay ang co-stars ni Nico sa hit comedy series na Superstore na sina Ben Feldman, Colton Dunn, Nichole Sakura, Jon Barinholtz, Kaliko Kauahi, Irene White, Lauren Ash, at ang show creator na si Justin Spitzer.

Mga nakasabay na contestants ni Zeke sa reality competition show na Survivor na sina Hannah Shapiro and Bret LaBelle ang nakarating.

Ang theme ng wedding ay Cheeky Tiki Kiki Party at para sa kanilang minimoon, pupunta sila sa Joshua Tree Nation Park. Ang legit honeymoon nila ay next year na sa Italy.

 

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with