^

Pang Movies

Mag-asawang TV personalities, busy sa pagko-cover sa showbiz events

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pang-masa

Wow, ka-compete na rin daw ngayon ng ibang entertainment media ang mag-asawang TV personalities.

Kumbaga, level up na sila dahil sa kanilang status, pero bongga, panay nga ang rampa niya sa mga showbiz event na kino-cover ng entertainment media.

Of course, alang-alang ‘yung sa vlog nila.

Kaya tuloy maraming naloloka sa kanila dahil dati sila ang kino-cover ngayon sila na ang nakikitang nagco-cover ng ilang showbiz events.

Hahaha.

Vice, Anne, Kim, may tapatan sa endorsement ng fast foods

Nakabalik na ulit ang It’s Showtime sa ere kahapon.

Parang walang nangyari sa kanilang pagbalik dahil obvious na nakapahinga ang mga host sa pangu­nguna nina Vice Ganda, Anne Curtis and Kim Chiu na pinaglalaban ng netizens dahil lahat sila ay endorser na ng mga sikat na fast food chains sa bansa.

Kaya naman nag-trending ang #ItsShowtimeReturns.

In all fairness sa kanila, ito ‘yung perfect sa ‘When Life Gives you Lemons, Make Lemonade!’

Kumbaga nagpapahiwatig ang lemon ng asim o lubak sa buhay pero ‘pag ginawa mo itong lemonade, nagiging positibo o malasa ito.

Kaya naman, pinag-usapan ng netizens ang naging pasabog na opening number na hinanda ng pamilya ng programa sa pamumuno ni Vice sa kanilang pagbabalik kaya naman nanguna ito sa Twitter kahapon.

Puno ng energy nga ang bungad nina Anne Curtis, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez, Karylle, Ion Perez, Ryan Bang, Teddy Corpuz, Jackie Gonzaga, at Cianne Dominguez na ikinasaya ng madlang people.

Nagpasalamat din ang hosts sa bumubuo ng It’s Your Lucky Day sa paghahatid nito ng ligaya sa viewers sa nakalipas na 12 araw.

Agad din naman ibinahagi ni Vice na ginamit nila ang kanilang pahinga para paghandaan ang nalalapit na Magpasikat at ang sorpresa nila sa kanilang ika-14 anibersaryo.

Bukod naman sa kanilang opening number, kinoronahan din noong Sabado (Oktubre 28) ang bagong Mini Ms. U grand winner na si Arianah Lasam ang matapos niyang pukawin ang loob ng hurado sa taglay nitong kumpiyansa sa sarili at nag-uumapaw na cuteness sa Mini Ms. U:The Cutest Finale.

Nakuha nga niya ang pinakamataas na total average score mula sa hurados na sina Nino Muhlach, Janice de Belen, Gladys Reyes, Snooky Serna, at Maricel Soriano.

Bilang grand champion, nag-uwi si Arianah ng P300,000, isang exclusive management contract mula sa Polaris ng Star Magic, at trip for four sa Hong Kong Disneyland, three days at 2 nights, kasama ang accomodation at airfare.

Nagbigay din ng special awards ang naturang segment kabilang ang Mini Ms. Talent at Mini Ms. Cutieful Smile para kay Enicka, at Mini Ms. Friendship para kay Eury.

Samantala, inanunsyo rin ng It’s Showtime na mapapanood na sila sa panibagong timeslot simula Lunes, 11:30 AM.

Na akala ni Anne ay start na ‘yun kanina kaya nag-announce siya sa Twitter now X pero biglang bawi dahil nga 12 sila nag-start kahapon.

Sinuspendi nga ang It’s Showtime ng 12-day ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil diumano sa pagdila sa cake nina Vice at Ion Perez sa isang segment ng programa na mga bata ang kalahok.

Na diumano’y ang nasabing pagdila na ‘yun ni Vice ay andun sa latest commercial nito sa isang fastfood nga. 

vuukle comment

ANNE

KIM

VICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with